3

52 22 6
                                    

"Lia laro tayo tagutaguan." Nakangiting yaya ng batang lalaki sa nakaupong batang lia

"Ayaw ko ngaaa."

"Hallaaa. Bakit naman ayaw moo?"

"Syempreee mahirap kang hanapin kayaaa"

Tumawa yung batang lalaki at napakamot sa ulo.

"Wag ka magalala ako na taya. Tago kana dalii."

Napangiti ang batang lia at nagsimula ng magtago. Nakumbinsi syang maglaro dahil hindi sya ang taya.

"Pagbilang kong tatlo nakatago na ikaw. Isa dalawa tatlo. Liaaa asaaaan kanaaaa hehehehe."

Nakita ni lia kung paanong naghahanap ang batang lalaki na kalaro nya.

Muka itong ewan sa pagtingin sa bawat sulok pero hindi nito alam na nakatago lang sya sa gilid ng isang pader.

Lumipas ang ilang minuto bago mapunta sa direksyon nya ang batang kalaro.

Napapikit si lia dahil sa lapit ng batang kalaro sa pader na pinagtataguan nya. Pero pag mulat nya ng mata. Wala naman yung bata sa harap nya.

Nakahinga sya ng maluwag

"Kala mo di kita mahahanaaap nooo?"

Napalingon si lia agad sa likuran nya saka napasimangot. Andon nga ang kalaro nya na tuwang tuwa sa nangyayari.

"Oh pano ba yaaan. Ikaw na ang maghahanap liaaa." Masiglang saad ng batang kalaro.

Dahil wala namang pagpipilian at ayaw nya namang maging madaya ay napagdesisyonan nyang ituloy na ang laro.

"Sige na nga ako na taya. Magtago ka naa."

Nagtago na ang batang lalaki at tumalikod naman si lia.

Sinabi nya ang chant ng laro saka nagsimula ng maghanap.

Gaya ng batang lalaki kanina. Nahiirapang maghanap si lia sa kalaro nya. Sinuyod nya ang buong bakuran nila pero hindi nya ito makita.

"Saan naman yon nagtagoo?"

Napakamot sya sa ulo at pinagpatuloy ang paghahanap.

Lumipas ang ilang minuto at hindi nya parin nahahanap ang kalaro kaya pumasok sya sa loob ng bahay para doon maghanap pero wala ito.

Lumabas syang muli at lumampas na sya sa bakod nila.

Naglakad sya ng naglakad hanggang makarating na sa kagubatan.

Ilang oras ang lumipas at naghahanap parin sya. Nasaan na ba ang kalaro nya?

Napatingin sya sa paligid at napansing napakadilim na.. luminga linga sya na nagdulot ng takot sa puso nya. Nawawala na sya. Hindi nya din alam kung paano makabalik sa bahay nila.

Ang huni ng mga kulisap ay biglang tumigil. Maging ang paggalaw ng dahon ng bawat puno ay tila huminto. Napakatahimik..

Dahil sa lugar ay bigla nalamang napaiyak si lia.

Napatahimik at pigil syang ng hikbi ng maramdaman nya ang isang presensya sa likod ng isang puno.

Hindi nya malaman kung bakit nya ito tinignan at pinuntahan.

Naglakad sya at ng makarating sa puno ay walang tao.

"BAH!" Napatalon si lia dahil sa sigaw. Nakita nito ang batang lalaki sa likod nya. Napakahilig naman nitong manggulat naisip nya.

LandCaster Academy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon