Chapter 5

646 16 2
                                    

A CHAT WITH A GHOST

Chapter 5

Uwian na namin. Mag-isa na naman akong naglalakad papunta sa hintuan ng taxi. Didiretso na muna ako sa hospital dahil labas ni daddy ngayon. Gusto pa nga sumama nina Milky at Cho, pero hindi ko na pinayagan. Ayokong maghintay pa sila ng ilang oras. Hindi kasi kami magkakasabay nina Milky at Cho ng labasan. Mas nauuna sila sakin.

Ano kayang nangyari kay Dae? Hindi ko siya nireplayan. Alam niyang busy ako sa school at wala akong time para replyan siya.

Biglang may nagdrift na kotse sa harapan ko at halos lumuwa ang puso ko sa gulat. Gusto ba nitong atakihin ako sa gulat?! Ibinaba niya ang salamin ng sasakyan. Woooh! Si Chester lang pala.

Dela Hwen? Ikaw ang kapatid ni Everson di ba? tanong niya.

Oo, bakit? seryoso kong tanong.

Papunta ka ba sa father mo? Sumabay ka na sakin malamig niyang turan.

H-ha?

Tss, sakay na

Naglakad ako papunta sa sasakyan at sinubukan kong buksan ang pinto sa backseat ng kotse pero hindi ko ito mabuksan. Binuksan ni Chester ang pinto sa gilid niya.

Gagawin mo ba akong driver? Dito ka sa tabi ko, tss

I just rolled my eyes. Sinunod ko nalang siya. Makakalibre pa ako ng pamasahe dito oh! Titiisin ko muna siya.

Buong biyahe katahimikan lang ang namayani sa loob ng kotse. Di ko siya kinausap. Bakit? Close ba kami? Ni hindi ko nga siya matignan sa mata tuwing nag-uusap kami.

Nakarating na kami sa ospital ng hindi man lang nag-uusap. Di ko pa naitanong dito kung ano ang pakay niya kay dad. Hayss bakit kasi sobrang awkward kasama nito eh?!

Oh iho, nandito ka na pala at kasama mo pa si Fee ko sabi ni daddy nang makita niya kami ni Chester.

Nandito din si mama at nagliligpit ng ilang mga gamit. Nginitian niya lang si Chester.

Babayaran ko na po ang bills para makaalis na ako agad. May kailangan pa po kasi akong puntahan malamig na sabi nito kay dad dahilan para mapatingin ako sa kanya nang nagtataka.

Ikaw ang magbabayad? tanong ko.

Oo. Kay papa galing ang pera sagot niya.

Ayts papa mo talaga eh noh. Pakisabi salamat Chester natatawang sabi sa kanya ni papa.

Tumango lang siya at lumabas na ng kwarto. Pagkalabas niya, dali-dali akong lumapit kay papa.

May pera naman tayo pambayad ah sabi ko.

Gusto ni boss eh tipid niyang sagot.

Bumaling ako kay mama. Nag-aayos siya ng ilang bag.

Sasamahan ko na kayo umuwi sabi ko.

Sige nak. Busy kasi kuya mo eh. Siya muna gumawa ng ilang naiwan kong gawain sa kompanya. Nga pala, paano kayo nagkakilala ni Chester?

Napakamot ako sa batok.

Bagong kaklase namin tipid kong sagot.

Tumango nalang si dad.

Ayos na to sabi ni mom.

Bibili lang ako ng kape dyan sa bento saglit. Bibilhan ko na rin kayo sabi ko.

Mahaba-haba pa kasi ang biyahe papunta sa bahay nila mom and dad. Kailangan alerto kami, baka may mangyari.

Pagkalabas ko ng kwarto, huminga muna ako ng malalim. Maglalakad na naman ako sa malawak sa pasilyo. Nasa gilid ng intersection pa naman ang elevator papunta sa first floor kung saan nadoon ang vento machine.

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon