Chapter 46

331 10 3
                                    

A CHAT WITH A GHOST
Chapter 46

"Hindi ako sasama sayo. Hindi ka si Dae. Wag mo kong tawaging mahal. Walang tayo, Kenji" matigas kong sabi sa kanya.

Pagkatapos niya akong muntikan patayin ang kapal ng mukha niyang sabihin sa'kin na mahal niya daw ako at sumama daw ako sa kanya. What an as§hole!?! Iniinis niya lang ako.

"Okay so bahala kayo. I need to work"

Akmang tatayo siya ng hawakan ko ang pulsuan niya. Bumalik siya sa pagkakaupo at nakangiting tinignan ako. Gusto kong burahin ang ngiti niya dahil naiirita ako.

"Kung ako sayo, mas pipiliin mo ako kesa sa multo. By the way, ang panget ng singsing na binigay ni Dae sayo" puna nito habang nakatingin sa kamay ko.

Binitawan ko siya at itinago ko ang kamay ko sa ilalim ng lamesa. Isa na namang pang-iinsulto. Kung hindi nila naa-appreciate si Dae, bakit hindi nalang sila manahimik?! Paano niya nalaman na kay Dae galing? Is it because iisa pa rin ang katawan at kaluluwa na sinaniban niya? Umiling ako at bumaling ulit sa kanya.

"Bakit ikaw ang pipiliin ko, mang-aagaw ng katawan?" irita kong tanong.

He smiled. I hate that smile.

"Dahil buhay ako at siya patay. Kaya ko namang maging si Dae para sayo, my Fee, baby babe loves sweetheart?" nakangiti niyang sambit.

Suddenly, my heart beating fast. No way! I was affected. Paano niya nalaman ang endearment namin?

"Ikaw ang patay, hindi si Dae, Kenji. Hindi ikaw si Dae at kailan man hindi ka magiging siya kaya please, pakibalik na ang katawan niya. You may rest in peace" pagmamakaawa ko.

Dae need his body. Malapit na siyang maging masama at kailangan na namin ang katawan niya kaya kailangan kong magmakaawa para lang doon.

"Aww, I have a wounded heart, now. I won't rest in peace without you, mahal. I won't leave. Ibinigay ko na kung paano ako aalis. Your soul in exchange of his body"

"Pero-"

Agad siyang tumayo at di na natuloy ang sasabihin ko.

"Hindi ka magsisising makasama ako sa kabilang buhay. Let us make our paradise for just the two of us. Matutuwa si Dae kapag nabuhay siya muli. Matutuwa ako kapag kasama na kita. Just sacrifice yourself, mahal. I need to go. I need to work at kailangan pang mabuhay ng katawan na 'to" sabi nito sabay alis sa harapan ko.

Napailing ako. Sacrifice for the happiness of them? Silly. I'll never do that. Ikakasal pa kami ni Dae at hindi ako papayag na sumama sa isang tulad niya.

Agad akong tumayo. I sighed and walked towards the exit. Kung hindi madaan sa pausapan, daanin sa dahas and I was ready na daanin sa dahas ang lahat para lang makuha ang katawan ni Dae sa kanya.

Paglabas ko, agad akong sumakay sa kotse at sinalubong ng masamang tingin sina Milky at Cho.

"What happened? Susundan ka na sana namin baka may kung ano ng mangyari sayo"

"Kumusta si Kenji? Pogi pa rin ba?" natatawang tanong ni Milky. Sabay naming sinamaan siya ng tingin.

Pogi pa rin naman si Kenji. Well, si Dae naman talaga 'yon eh.

"What? I'm just asking" sabi niya.

Huminga ako ng malalim at sinagot sila. I don't need to make things more complicated. Sasabihin ko na sa kanila lahat.

"Girls, I'm engage" panimula ko.

I saw them blink and blink then biglang nanlaki ang mata nila.

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon