Chapter 40

311 12 0
                                    


A CHAT WITH A GHOST
Chapter 40

Di ko na alam ang gagawin ko kay kuya. Maaawa ba ako o tatawanan siya? Halos lumuhod na siya kay kuya Eloy para lang payagan na ligawan siya. Ang kulit kasi eh. Gusto agad pumunta sa bahay nito.

Pagkalabas na pagkalabas namin sa hospital, hindi ako tinantanan ni kuya. Ipakilala ko daw siya sa kapatid ni Hannah. Di ko pa naman nakita 'yung Hannah ng personal pero sabi daw ni kuya, maganda daw siya at medyo singkit. Wala akong choice kundi samahan si kuya. May band aid pa ang ulo ko at medyo masakit ang katawan pero heto ako kasama si kuya sa bahay ni kuya Eloy.

"Ows talaga? Gustong gusto mo ang kapatid ko. Lokohin mo lolo mo"

"Di ko po kayang lokohin ang lolo ko, tulad din po ng kay Hannah. Di ko siya kayang lokohin"

Aww, ang sweet ng kuya ko pero pagdating sa bahay, leon 'yan. Mahina akong natawa. Napansin kong nakatingin si kuya sa'kin na parang naghihingi ng tulong. I just shrugs at sinimangutan ako.

"Kina Fee lang ako maniniwala. Ngayon ka lang nagpakita sa'ken lalake. Ang kapal naman ng mukha mo noh"

Tumikhim ako at tumingin kay kuya Eloy. Over na ah, need na ng help ko ni kuya.

"Kuya Eloy, mabait 'yan si kuya. Nagkwentuhan kami kagabi. Nakita kong mahal na mahal niya ang kapatid ko. Hayaan mo nalang ang kapatid mo ang sumira sa puso ni kuya. Tingin ko, nasa tamang edad na rin si Hannah para magdesisyon sa sarili niya. Tama ba ako?"

Nakita kong napabuntong huminga si kuya Eloy. Medyo kumalma na siya. Bumaling ako kay kuya Ever na naka-pout pa sa'kin. Inirapan ko nalang siya.

"Hay nako, tama ka Fee. Hindi ko naman sila pwedeng pigilan. Bitter lang talaga ako" pagsang-ayon ni kuya Eloy.

"Pangako kuya eloy. Hinding-hindi ko sasaktan at iiwan si Hannah kapag sinagot niya ako"

"Anong kuya?! Ako ang bunso sa kanila! Ate ko si Hannah!" bulyaw ni kuya Eloy.

"Ate niya pala pero kung makaasta parang kuya" dinig kong bulong ni kuya Ever.

"Anong sabi mo?!"

Napaface-palm ako. Hay nako, gulo na naman. Kuya kasi, bubulong-bulong pa.

"Kuya Eloy, di ko rin alam na ate mo pala si Hannah, sorry ehehe" natatawang sabi ko.

"Okay, ahh Fee, pwede ka bang makausap muna? Seryosong bagay lang" sabi nito. Bigla akong sumeryoso. Tungkol naman saan ang pag-uusapan namin? Kay Kenji ba? Ilang araw na kasing hindi ito nagpaparamdam. Siguro nagtatago sa kung saan dahil balak na namin bawiin ang katawan ni Dae.

Speaking of Dae, he was everywhere lagi. Ang creepy niya pa nga. Ngayon habang nag-uusap kami, nararamdaman ko siya sa likuran ko. Ang creepy ng boyfriend ko noh? As usual, ikaw kayang magkaboyfriend ng multo. Minsan, trip nitong gumala kung saan.

"Ahh sige" seryoso kong sagot. Parehas kaming napabaling kay kuya Ever. Hindi niya dapat malaman ang tungkol kay Dae. Kailangan lang namin makasigurado na magiging maayos ang mga galaw namin. As long as, konti ang nakakaalam ay mas safe.

"Oh? Bakit ganyan kayo makatingin?" tanong ni kuya.

"Kuya, sa may sala ka muna. Mag-uusap lang kami ni kuya Eloy"pagpapaalam ko.

"Tungkol saan?" Here he is again, being strict is one of his assets.

"Tungkol sayo ang pag-uusapan namin. Wag kang umepal. Never right?" tanong ni kuya Eloy.

"Ever, hindi Never" masungit na sagot ni kuya.

"Oh sige, dyan ka na. Maiwan ka muna namin"

Akmang aalis na kami ni kuya Eloy ng magsalita si kuya Ever.

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon