Chapter 35

372 22 4
                                    

A CHAT WITH A GHOST
Chapter 35

Dae’s PoV

Nakakapagod pala ang ganito. Ni hindi niya man lang nakikita ang mga effort na ginagawa ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagkaklase siya. Wala na ako sa katawan ni Milky. I’m tired.

This past few days, nakikita kong titig na titig sa kanya ‘yung babae espirito. I will rid her away as long as I can, kahit na maubos pa ang lakas ko. Kailangan ko rin hanapin ang bangkay ng babaeng ‘yon para masunog na siya sa impyernong kinabibilangan niya.

It was hurt seeing her with a fake man thinking that it was me. Hindi niya alam kung gaano kasakit sa puso ko ‘yon. Tila winarak, binugbog at dinurog ito. Well, hindi ko naman siya masisisi. I know, she loves me so much at iniisip ko nalang na ipinapakita niya sa lalakeng ‘yon kung gaano niya ako.

I aware na nakikita ako ni Kenji. I saw how he made a death glare at me kaninang nakita niya akong nakasapi kay Milky. Tulad din ng ginawa niya sa lalakeng sinapian ko sa may jeep.

“Humanda lang talaga ang lalakeng ‘yon” bulong ko habang nakatingin kay Fee na taimtim na nakikinig. I can see her clearly dahil hindi naman siya natatakpan ni Chester. Tulog kasi ‘yung loko.

Ang hirap panindigan ng desisyon kong lumayo sa kanya kung alam kong malapit lang ang panganib sa kanya. Wala talaga akong kwenta hayss. Mahina ako. Napalingon ako sa gilid ko. I saw him glaring at me.

Naglakad ako papalapit sa kanya. Nang makalapit ako sa kanya tinignan ko siya ulo hanggang paa. Ito pala ang itsura ko. Ang iniisip ni Fee na ako. Ang gwapo ko pala.

“Stunned in my body, Dae?” tanong ni Kenji.

“Fvck you. That was my body and not yours” matigas kong sabi.

“Not yours, Dae. It was mine now. Fee was mine too. All of yours was mine now” nakangiting sabi nito dahilan para mainis ako at suntukin siya ngunit tumagos lang ako. Tinawanan niya lang ako.

“I will do anything to get all that I owned. Hindi mo kilala ang kinakalaban mo, masamang espirito” sabi ko.

“Kilala ko, Dae. Kilalang-kilala kung sino ka. Eh ikaw, kilala mo ba kung sino ka? Hindi di ba? I’ll be honest to you, Dae. Your real name is not Kenji Skyler Salazar. That was my real name though. Hinding-hindi mo malalaman ang tunay mong pangalan so just concede” natatawang sabi nito. “See? I love how to be alive again. Wag mo ng sirain ang kaligayahan ko at ang kaligayahan ni Fee. She was happy with me, bastard. I need to go” Tinalikuran ako nito. “Sana ma-enlightened ka na, Dae. Akin na ang katawan mo ngayon” huli niyang sinabi at naglakad na palayo.

I closed my eyes. Kumalma ka, Dae. You need to be calm. Idinilat ko muli ang mata ko. Kahit anong sabihin niya sa’kin, hindi ko bibitawan ang katawan ko at si Fee. They’re both mine.

Kenji’s PoV

That bastard. Mas malakas ako sa kanya kaya hindi niya makukuha ang katawan ko. Wag niya ng subukang agawin dahil hindi naman siya magtatagumpay.

Si Fee lang ang tanging buhay na tao na nagparanas sa’kin ng pagmamahal. Siya lang ang nagpamukha sa’kin na buhay na buhay ako. Hindi ko na hahayaang mabawi ulit siya ng Dae na ‘yon.

Napahinto ako sa pag-iisip ng may maramdaman na isang presensya. It was a dark presence came from my behind.

“Who are you?” tanong ko.

Naupo ako sa isang table na nasa sulok ng library. Ayokong pumasok sa klase. It was so boring. Boring kasi ang kurso na kinuha ng Dae na ‘yon eh.

“Kailangan ko ang tulong mo. Papatayin nila ako”

Narinig ko ang isang matinis ngunit malamig na boses. Alam ko na kung sino siya.

“Don’t fool me. Patay ka na” sabi ko.

“Gusto kong mabuhay tulad mo. Malapit na akong mawala. Kailangan mong ilipat ang bangkay ko bago nila makuha at masunog ito”

“And who are you to dictate me?” tanong ko.

Hinarap ko ang presensya sa likod ko. Ow sh!t! Dapat pala hindi na ako humarap. She was the girl na nakita namin ni Fee sa park. She has a scary and yuck! Her face! Wala siyang panga pero nakakapagsalita!

“Takot? Takot ang nagpapalakas sa’kin”

“Hindi ako takot” matigas kong sabi.

“Kahit naman matakot ka, hindi ako lalakas. Masama ka ding espirito tulad ko”

This girl really pissed me off.

“Hindi ako masama. Hindi ako pumapatay. Magkaiba tayo” sabi ko.

“Wag mo akong lokohin. Masamang espirito ka rin tulad ko. Ninakaw mo ang katawan ng lalakeng ‘yon. Kung hindi mo ako tutulungan, mawawala ako at ikaw na ang susunod na pupuntiryahin nila”

Nanlaki ang mata ko. Alam na nila? Paano nila nalaman? Sigurado akong di pa alam ni Fee dahil magkasama lang kami kanina pero damn! ‘Yung mga kaibigan niya! Kaya pala ganoon nalang ang gulat nila ng makita ako.

“Alam nila?” tanong ko sa babae.

“Oo, ilang araw kong sinusubaybayan sa malayo ang mga galaw nila”

Tinapunan ko siya ng isang tawa. Mas malakas ako sa kanya. Bakit ko naman siya tutulungan?

“Kaya kong isalba ang sarili ko, babae”

“Madel ang pangalan ko”

“Hindi ko tinatanong at wala akong pakealam. Ano naman mapapala ko sa pagtulong ko sayo?”

Natahimik ito ngunit pagkalipas ng ilang segundo. Sinagot din ako nito na tumakaw sa atensyon ko.

“Ibibigay ko sayo ang kaluluwa ng babaeng iniibig mo at maaari mo siyang makasama habang buhay. Pwede mo siyang ikulong kung saan tulad ng ginawa mo sa lalakeng ‘yon. Hindi na siya maagaw ng kahit sino”

Napangiti ako. Nakuha niya kung anong gusto ko.

“Okay” pagsang-ayon ko. “Ako na ang bahala” sabi ko.

Fee’s PoV

Iwinaksi ko ang katawan ko sa higaan. Nakakapagod ang araw na ‘to. Hindi ako sinundo ni Kenji. Hindi man lang siya nagchat ni isa. Ipinikit ko nalang ang mata ko sa pagod. Mamaya na ako magbibihis. I need to take a nap. I’m tired.

“Fee”

Dahan-dahan akong napadilat. May narinig akong isang pamilyar na boses. Nanlaki ang mata ko kung nasaan ako. I know this place. Nakapunta na ako dati dito.

Sa may garden ng hospital. Bakit nandito ako? Am I dreaming?? Suddenly, I gasped ng may maramdamang na yumakap sa likuran ko. Hindi ako nakalingon agad dahil nagsalita siya.

“I miss you. Bawat araw na lumipas hindi ka nawala sa isip ko. Namiss ko ang katawan mong dumidikit sa’kin. Namiss ko ang mga labi mong lumalapat sa’kin. Namiss ko ang kabuuan mo” Naramdaman kong may tumutulong likido sa braso ko. Is he crying? Nagkita lang naman kami kanina. “I’m sorry, Fee. I’m so sorry, nasaktan kita. Halos sumabog na ang ulo ko kasisisi sa sarili ko dahil ako ang dahilan kung bakit ka umiiyak gabi-gabi, dahil din sa’kin kung bakit may sumusunod na babae sayo”

“Kenji?” singit ko. He was crying. I heard him sobbing.

“Dae, Fee. Ako si Dae”

“What?”

-End Of Chapter 35-

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon