Chapter 38

346 12 0
                                    


A CHAT WITH A GHOST
Chapter 38

Eloy's PoV

"Tumawag ang kuya ni Fee. Nasa hospital daw siya ngayon" balita ni Itim.

Dali-dali kaming lumabas ng campus. Muntik pa kaming mahuli ng mga gwardya doon dahil may usok na nanggagaling sa bangkay ni Madel.

Sumakay kami sa kotse ni Itim at mabilis na minaneho papuntang hospital.

"Ano na kayang nangyari sa dalawang 'yon?" tanong ko sa sarili.

*Flashback*

Bwiset na babaeng 'yon. Di ko na pansin na nasa likuran ko na. Nagulat nalang ako, sinasakal na pala akong ng bruhang 'yon. Buti na nga lang at naglaho siya. Nawala din si Dae para iligtas si Fee. May pagka-shunga din 'yung bruhang 'yon eh. 'Kala niya nawalan na ako ng malay.

"Kuya Eloy"

Inangat ko ang ulo ko. Gising na pala 'tong si Puti.

"Oh?" tanong ko.

"Ang baho mo"

My jaw dropped. Di ba nito napansin na 'yung bangkay ang nangangamoy at hindi ako. Grrr. Makakasakal ako ng babae nito!

"Napaka-judgemental niyo pa nga! 'Yang bangkay 'yon. Di ako. Tss"

"Ah okay po"

Speaking of bangkay, kailangan na sunugin ito. Dae badly needs our help. Ay pak! Napa-english ako. Tumayo ako at nagpagpag. Kinuha ko ang gaas na nasa back pack ko.

"Lumayo ka kung ayaw mong kasamang masunog" utos ko.

Inirapan ako ni Puti at lumayo sa bangkay. Napailing nalang ako. Ibinuhos ko na ang gaas at sinilaban ito. Nasusunog na ang bangkay at natutupok ito.

Sa wakas, mananahimik na rin ang buhay ng dalawang 'yon. Ang poproblemahin nalang ay ang espirito sa katawan ni Dae.

*End Of Flashback*

"Kuya Eloy, kanina pa nag-iingay ang cellphone mo"

Napatingin ako kay Itim. Natulala na pala ako. Agad kong kinuha ang cellphone ko at sinagot ang tawag.

"Bakit-"

-Hunter!!!! Kanina pa kami tumatawag!-

"Eloy, kuya Hinter. Eloy ang itawag mo sa'kin"

-Wag ka ngang maarte. Kakausapin ka daw ni daddy. Tumatanda na siya, Hunter. Kailangan mo ng tumulong sa kompanya. Anong silbi ng degree mo kung magkukulto ka lang dyan sa bahay mo?!-

"Una sa lahat, hindi ako kulto! Kaya niyo namang alagaan ang kompanya ah. Dagdag sweldo niyo lang ako. Asan ba si itay?"

-Nababaliw ka na ba, Eloy? Daddy, not itay. Masyado kang nagstuck dyan sa probinsya. Dad was on the hospital. By the way, learn to speak in English, Hunter-

"Aissh! I know how to talk in English. Ayoko lang. Mahalin ang sariling wika, kuya Hinter"

-Ewan ko sayo, basta pumunta ka dito sa kompanya. Kailangan mo kaming tulungan. Ready na ang management team mo para sayo. Nandito na rin ang secretary mo-

Napabuga ako ng hangin. Handang-handa sila ah. Di pa ako handang iwanan ang bahay ko doon. Doon kami nagkakilala at nagkasama ng babaeng mahal ko.

"Sige" pagsang-ayon ko nalang.

Pinatay ko na ang telepono. Napabaling ako sa dalawang babae na nasa harapan ko.

"Mga chismosa" asik ko.

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon