Chapter 19

420 11 0
                                    

A CHAT WITH A GHOST
Chapter 19

"DAE!!!!!!!"

Patuloy parin ang pagsigaw ko sa pangalan niya. Kahit ngayon lang dumating ka Dae. Tuloy-tuloy lang ang pagtulo ng luha ko. Napatingin ako sa babaeng ng nasa harap ko na ang mukha niya. Nanginginig na ako sa takot. Hindi ako makagalaw.

"Ibigay mo na ang katawan mo" bulong niya.

"HINDE!!!!" sigaw ko.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Agad akong napatingin dito. Bumaling ulit ako sa babae ngunit wala na siya. Napatingin ako sa pinto kung sino ang papasok. Ikaw ba 'yan Dae?

"Fee!"

Iniluwa sina Milky at Cho. Buti dumating sila kundi nakuha na ako ng babaeng 'yon.

"Ayos ka lang?!" tanong ni Cho.

Inalalayan nila ako tumayo. Tinignan ko ang paa ko. May bakat ng kamay at may pasa din. Sumandal ako sa paanan ng kama. Hindi ko pa kayang tumayo.

"Tama pala ang chat ni Dae. May umaaligid na masamang espiritu sayo" sambit ni Milky.

Napatingin ako sa kanilang dalawa. Tumulo na naman ang luha ko.

"Nagchat siya sa inyo para lang mailigtas ako?" tanong ko.

"Oo, kaya tama na ang iyak, Fee. Naniniwala na kami na mabait ang multong jowabels mo" sambit ni Cho habang pinupunasan ang luha ko.

Niyakap ko silang dalawa. Buti nalang nagkaroon ako ng ganitong mga kaibigan. Hindi ko kayang mawala silang dalawa. Lumayo ako at nginitian sila habang nagpupunas ng luha.

"Salamat at dumating kayo" sambit ko.

 "Asan ba si Dae ngayon?" tanong ni Cho.

"Hindi ko alam" tipid kong sagot.

"Dito muna kami para hindi ka na gambalain ng multo" sambit niya.

"Magbibihis muna ako" paalam ko.

Tumayo na ako at akmang papasok ng closet ng bumaling ulit ako sa kanila. "Nakauwi na ba kayo?" tanong ko.

"Oo, Fee" sagot ni Milky.

Tumango nalang ako at pumasok na sa closet. Nagdamit ako ng kumportableng damit at pinatuyo ko ang buhok ko. Paglabas ko, nadatnan ko silang dalawang humihilik sa kama ko. Napangiti ako at napailing. Di ko na sila gigisingin. Alam kong pagod sila. Umusog ako at naupo sa tabi nila. Medyo malaki naman ang kama at tingin ko kasya kaming tatlo. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang data. Sunod-sunod agad ang pagpop-up ng messages galing kay Dae. Hindi ko na binasa ang iba. 'Yung pinakadulo nalang.

Dae: Answer me please!

I replied him quickly.

Me: I'm safe okay? Buti dumating sina Milky at Cho. Thanks to you. Sorry my phone is low bat.

Pagkalipas ng ilang segundo, nagreply agad siya.

Dae: Thanks! Sumagot ka din. Alam mo bang halos sumabog na ang puso ko sa kaba?

Dae: Nakulong na naman ako dito, Fee. Halos gawin ko na lahat ng paraan para makalabas dito.

Me: Bakit ka ba kasi nandyan? Tanda mo ba kung paano ka nakapunta dyan?

Dae: I don't know. Pagdilat nalang ng mata ko, nandito na ako at multo na pala ako.

Fee: We will help you to figure it out. Makakalaya ka naman mamayang 12 di ba? Punta ka agad dito ah. I'm scared.

Dae: Of course, I will. Sorry my Fee.

Me: May tanong ako...

Dae: What is it?

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon