Special Chapter

775 28 13
                                    


ACWAG's SPECIAL CHAPTER

KENJI's SIDE STORY

Damn! I was so bored. Ang hirap ng ganitong walang kausap at wala man lang pumapansin sa'kin.

"Layuan mo ko demonyo!"

"Di ako demonyo! Kaluluwa din ako tulad mo"

Naupo ako sa may gilid ng puno. Hindi ako makaalis dito.

"Gusto mong makaalis dito at mabuhay muli tulad ng ibang kaluluwa?" tanong niya.

"Yah" sabi ko.

"Go, tutulungan kita pero dapat pagbalik mo dito sa gubat may kasama ka ng babae para hayaan kita at kapag hindi mo nagawa 'yun, babalik ka dito" natatawa nitong sambit.

"Demonyo ka talaga" singhal ko dito.

Sa una, hindi ako naniniwala sa kanya na kaya niya akong palayain dito sa gubat. Ang tanging napupuntahan ko lang dito ay ang bahay ng lalakeng 'yon. Eloy ang pangalan niya.

Nang nakaalis ako sa gubat, bigla akong napadpad sa may kalsada kung saan maraming tao. Ang pinakagusto kong parte ay ang mga intersections, doon kasi lahat ng tao nagtatagpo. Kailangan ko din makahanap ng katawan at isang babae.

Noong isang araw, sinwerte ako. Isang bata sana ang sasapian ko para mahina ngunit nagulat ako ng magising ako na nasa isang katawan ako. Ang katawan ni Jero.

Tuwang-tuwa ako dahil naaalala ko ang mga alaala niya pero ang ikinatataka ko, may mga pumapasok na imahe at bumibilis bigla ang tibok ng puso ko. Alam kong gumagala lang ang kaluluwa ng lalakeng ito at sigurado akong nakakulong 'yon sa kung saan.

Pinagpatuloy ko ang buhay ko at pinalitan ko ang pangalan ko para hindi ako mahanap ng kaluluwang 'yon. Sa pagkakaalam ko, hindi niya natatandaan ang sarili niya kaya siya mahina. Nag-iingat lang ako.

Sa sobrang pag-iingat ko, nagulat nalang ako ng bigla kong nakilala ang babaeng nagpatibok ng puso ko. Siya ay si Fee.

Sobrang saya ko tuwing kasama siya. Una palang, alam ko na mahal ko na siya. Sa kanya ko talaga naranasan na buhay pa talaga ako at gusto ko pang mabuhay para sa kanya. Siya ang nagparamdam na hindi ako nag-iisa.

Ngunit isang araw, di ko namalayan na nakadikit pala sa kanya ang kaluluwa ng taong inaangkin ko.

Doon na nagkagulo ang lahat. Doon na sumagi sa isip ko na si Fee ay akin lang at hindi siya mapupunta sa iba kundi sa'kin.

Hindi ko alam na darating ang araw na ito. Sa dami kong nagawa para mapanatili ako sa katawan na ito, mababawi lang pala ng kaluluwang 'yon dahil sa isang babae.

Masaya na din ako dahil papalayain ako ni Eloy sa kagubatan na 'yon. Papalayain na niya ako at sasama na ako sa sundo ko ng sirang-sira ang puso ko dahil kay Fee.

Handa na ako sa husga sa'kin ng panginoon.

I was guilty of loving Fee, so guilty at kamatayan ang alam kong hatol at walang hanggang hirap. I deserve it.

-End Of Special Chapter-

[END OF BOOK 1: ACWAG]
[START OF BOOK 2: MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN]

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon