Chapter 9

530 18 2
                                    

A CHAT WITH A GHOST

Chapter 9

Sino kaya ang multong tinutukoy ng babaeng 'yon? Si Dae? Napalunok ako. Bigla akong nakaramdam ng ihi. Agad akong pumasok sa loob ng banyo at umihi. Pagkatapos kong umihi, agad akong lumabas ng cubicle. Ayts teka, kakausapin ko pa si Dae kung siya ba yung tinutukoy ng babae. Malilintekan talaga yun sakin kung siya yun! Tsk! Tsk!

Pumasok ulit ako sa cubicle at tinakpan ko ang bowl. Naupo muna ako doon. Trip ko? Ganito ako noong highschool para makapagtago kay mama. Kaya ang tagal ko sa banyo minsan. Mga dalawang oras lang naman. Hikhok! Machat na nga si Dae.

Me: Dae

Hindi siya nagreply. Busy siguro sa gala nila. Teka, baka pinuntahan nila ang lugar na maraming babaeng multo. Tsk! Harot talaga!!! Naramdaman kong may pumasok sa loob ng CR. Dahan-dahan lang itong naglalakad. Alam ko dahil naririnig ko siya. May naamoy akong masangsang na amoy. Ang baho naman ng pumasok na 'yun. Napatakip ako sa ilong ko. Para siyang naaagnas na ewan! Ang baho!

Nakaupo ako at medyo sinilip ko ang sahig ng banyo para makita ang anino niyap-pero..

Pero iba ang nakita ko

dugo!!!

"Fee"

Napatakip ako sa bunganga ko ng tawagin niya ako. Hindi iyon boses ni Kristine, Milky at Cho. Hindi rin iyon ang boses ni Blaire. Kung ganoon, sino siya?

"Fee" tawag niya ulit.

Napapikit ako. Waaahhh Lord!!! Sino siya?!!!!!!! Ang boses niya may pagkamatinis at nakakatakot.

Naririnig kong papalapit siya sakin

Papalapit ng papalapit..

Nakikita ko na ang anino niya sa labas ng cubicle. Hinawakan ko ang phone ko at chinat si Dae.

Me: Help me!!!!!!

"Fee, alam kong nandyan ka" tawag niya.

I closed my eyes. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi niya ako marinig...Teka, tumahimik

Sobrang tahimik...

Umalis na ba yung babae?

Dinilat ko ang mata ko...

Biglang bumukas ang pinto ng cubicle..

"Gotcha!"

"AAAAAAAAHHHHHH!!!"

Nasa harapan ko siya!!!

Patuloy lang ang pagtili ko. Ipinikit ko na ang mata ko habang tumitili. Multo!!!!! Nakakatakot ang mukha niya!!! Hindi ito mawala sa isip ko kahit na nakapikit ako!! Wala siyang puti sa mata at sobrang gulo ng buhok niya. Wala siyang pangaaaa!!!!! Puno siya ng dugo!!! Ayoko naaaa!!!!!!

Napatigil ako ng biglang tumahimik

Nasa tapat ko pa ba siya?!!

Dinilat ko ang mata ko

Wala siya sa tapat ko pero..

Teka..

"Dae?"

Hawak niya yung babaeng multo. Seryoso lang siya at parang mangangain ng buhay ayt patay. Nakangiting tumingin yung babae sakin. Di ko mapigilang umiyak sa takot.

Makukuha na rin kita sabi ng babaeng multo habang tumatawa na mala-demonyo. Agad itong naglaho at nawala na lahat ng bakas ng dugo.

Napabaling ako kay Dae. Doon nawala ang takot ko. Tumingin si Dae sakin. Namilog ang mata ko. His.his left cheek was burned. Napansin niya na nakikita ko na siya kaya tinakpan niya ang pisngi niya at umiwas siya ng tingin.

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon