Chapter 30

375 13 0
                                    

A CHAT WITH A GHOST
Chapter 30

That creepy man stucks in my mind. Ano kayang meron sa lalakeng ‘yon at nagsorry siya sa’kin.

Nandito kami ni Dae ngayon sa Circle. Hindi ko kasi kayang tawagin siyang Kenji eh pero susubukan ko parin. Naramdaman kong pinisil niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

“Bakit K-Kenji?” tanong ko.

“Hmm, nothing” sagot niya. “Ano ang mga itatanong mo?” tanong niya.

Nakakita kami ng isang bench na nasa gilid ng park at naupo kami doon. It was dark here pero sapat na ang ilaw ng mga street lights at christmas lights para lumiwanag ang paligid. Ang bilis ng oras. Ilang buwan nalang magpapasko na. Malapit na din ang birthday ko. It was Christmas eve- December 24...

“Oh I forgot some of them. Simulan natin sa…. anong pakiramdam mabuhay ulit?” tanong ko at mukhang umaliwalas ang mukha niya dahil sa tanong ko. Ahh it was just a non sense question.

“Well, it was really good to be alive again. I tried my best to live then I found this body and-“

“You found?”

“Y-Yeah…ahh nacomatose ako sa hospital after ng aksidente ko sa motor tapos hinanap ko ang katawan ko then I’m here” sagot niya.

Nanlaki bigla ang mata ko. No! This can’t be.

“Ikaw ang nakaaksidente kay Vin?” tanong ko.

“Vin? Sino siya?”

“A child, Kenji. Nasagasaan siya ng motor. Binisita natin siya dati sa hospital” sabi ko.

“N-no. I didn’t bumped any child. Medyo makakalimutin na ako dahil na-coma ako ng ilang linggo. Sorry, medyo nag-iiba ang attitude ko” sambit niya at bumaling siya sa ibang direksyon.

“Okay lang, pero sabi ni Vin, ikaw ang-“

“Do you believe me?” biglang niyang tanong.

“O-of course” sagot ko.

“Then I don’t bumped her”

Napakunot ang noo ko. Natatandaan na niya si Vin. Napangiti ako. Akala ko may kakaiba na sa kanya.

“What with that face?” seryosong tanong niya.

“Nothing, by the way, may usapan kami ni Chester na sa kanila muna ako ng 3 days. Pwede bang sunduin mo ako after those days? Ipapakilala kita kay Chester”

“Sinong Chester?”

“K-Kenji, you’re so funny. Si Chester ang sinapian mo para lang mahawakan ako. Hindi mo na matandaan?” tanong ko.

“Oww, ‘yung kaklase mo kanina. Chester Garcia right? Sorry purol na kasi ang memorya ko” sambit niya.

“Yes, siya ‘yon. Paano ka nga pala napunta sa school?” sagot ko. I felt that he was tensed. Ano kayang problema ng lalakeng ‘to?

“I was a transferree” tipid niyang sagot. “May tanong ka pa?” tanong niya habang nakabaling sa kawalan at mukhang may tinitignan.

“Nakalimutan ko na lahat sa sobrang dami pero wait, nakakakita ka ba ng multo?” tanong ko sa kanya. Napatingin siya agad sa’kin at nakangiting tumango. “Really? Do you still seeing that woman na laging umaaligid sa’kin?” mahina kong tanong.

“Woman?”

“’Yung babaeng walang panga” mahina kong sagot.

“Siya?” tanong niya habang nakaturo sa may harapan at tila malayo ang tingin niya. Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Sinundan ko naman ito ng tingin ngunit wala akong nakita.

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon