Chapter 45

286 12 0
                                    


A CHAT WITH A GHOST
Chapter 45

After 3 days, umuwi na kami sa Manila. Wala na si Dae sa katawan ni kuya Eloy dahil hindi na niya daw kaya at nanghihina na siya. Malapit ng mag-isang linggo at malapit ng maging masamang espirito si Dae kaya naiintindihan ko kung bakit minsan hindi siya lumalapit sa'kin.

Nasa school ako ngayon, to be specific, sa may canteen, dahil kailangan kong humabol ng mga lessons at magreview. Ilang araw akong nawala at malapit na ang midterm exams namin. Nababahala pa rin ako kay Kenji dahil base sa binalita nina Milky at Cho noong nakaraang araw ay hindi na daw ito pumapasok. Patuloy pa rin namin siyang hinahanap.

Napapangiti nalang ako tuwing tinitignan ang singsing na binigay ni Dae sa'kin. Habang multo pa siya, hindi kami pwede ikasal kaya pursigido talaga ako na hanapin si Kenji.

"Fee" sabay na tawag sa'kin ni Cho at Milky na nasa tapat ko.

"Bakit?" tanong ko habang nagbabasa ng mga notes.

"Alam na daw ni kuya Eloy kung nasaan si Kenji"

Nanlaki ang mata ko. Alam na niya?! Agad kong inilabas ang phone ko at tinawagan ko si kuya Eloy. Sinagot din naman niya agad ito.

"Hello, kuya. Totoo ba? Alam mo na kung nasaan si Kenji?"

-Oo, Fee-

Nagsalubong ang kilay ko ng maramdaman kong malungkot ang boses ni kuya Eloy. May problema ba siya?

"Kuya Eloy, anong problema? Di ka ba masaya-"

-Hindi. Masaya ako. Buti nga at nahanap na nila si Kenji. Alam mo ba kung ano ang ginawa ko para tulungan sila?-

"Huh? Nahanap nila? Sino sila? Anong ginawa mo po?"

-Fee...Humingi ako ng tulong sa mga kapatid ko para mahanap si Kenji at nahanap nga pero....pero may kapalit.-

"Ano 'yun, kuya?"

-Magtatrabaho na ako sa kompanya namin. Haysss-

Huminga ako ng malalim. Ang laki ng sinakripisyo ni kuya Eloy para sa'min ni Dae. Alam kong ayaw niya magtrabaho sa kompanya nila dahil ayaw niyang iwan ang bahay niya sa probinsya. Para kasi sa kanya, napaka-halaga ng bahay na 'yon at hindi matutumbasan ng pera....pero ito, kailangan niyang tuparin ang kondisyon.

"Sorry, kuya. Nadamay ka pa sa'min"

-Hindi. Okay lang. Tutal tinulungan niyo din ako na mawala si Madel at bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Kristine-

"Sorry talaga kuya" paghingi ko ng paumanhin.

-Okay lang. Ibababa ko na 'to. Parating na sina kuya para kunin ang gamit ko. Ayaw talaga ako pakawala eh. Isesend ko nalang ang lugar kung saan nandoon lagi si Kenji ha?-

"Opo kuya"

Narinig ko pang tumawa siya at pinatay na niya lang ang linya. Kahit tumawa si kuya Eloy, baka pa rin na malungkot siya. Laking pasasalamat ko dahil tinulungan niya kami. Siguro kung wala si kuya, nangangapa pa rin kami sa dilim para lang mahanap si Kenji.

"Kumusta, Fee? Anong sabi?" tanong ni Cho.

"Bakit ka malungkot?" tanong ni Milky.

"Ang dami ng nagsakripisyo, girls. Pati si kuya Eloy, isinakripisyo ang kalayaan niya para lang matulungan kami ni Dae"

"Okay lang 'yan, Fee. Pasalamat tayo dahil nandyan si kuya Eloy" sabi ni Cho sa'kin.

Huminga ako ng malalim. Napabaling ako sa phone ko ng tumunog ito at nakadisplay ang text ni kuya Eloy. Teka...

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon