Chapter 25

383 11 1
                                    

A CHAT WITH A GHOST
Chapter 25

Panay ang pindot ko sa button ng elevator. Tsk!

“Aish! T@ngina!!!” sigaw ko.

Agad akong tumakbo papasok ng lobby. Tinungo ko agad ang isang elevator. Halos madurog na ang pindutan sa pagpindot ko.

“Miss, dahan-dahan lang” sabi ng isang lalakeng nakasabay ko.

Hindi ko na siya pinansin. Panay parin ang pagpindot ko at sa wakas bumukas din. Pinindot ko ang floor ng unit ko. Hindi siya pumindot. Siguro parehas lang kami ng floor. Ilang segundo ang lumipas at bumukas ang pinto. Patakbo akong pumunta sa unit ko kahit paika-ika na ako sa sakit ng katawan.

“KRISTINE!!” sigaw ko.

“Miss, ayos ka lang ba?” tanong ulit ng lalake. Di ko na siya tinignan at agad akong pumasok sa unit. Pagbukas ko ng pinto, may umagos na dugo. Napaatras ako at nang sinundan ko kung saan ito nagmumula, napaluhod nalang ako at napatakip sa bunganga.

Patay na si Kristine at naliligo sa sariling dugo. Biyak din ang panga niya.

“Miss? Fvck!” dinig kong singhal ng lalakeng sumunod sa’kin. “Emergency! May pinatay dito sa building! Tingin ko, ninakawan ang isang may-ari ng unit!”

Tuloy lang ang pag-iyak ko. Kasalanan ko ‘to. Dahil sa’kin, kaya namatay siya. Hindi ko man lang siya nagawang tulungan. Wala akong kwentang kaibigan. Hinayaan ko lang siya.

“Asan siya?”

Napatingin ako sa pamilyar na boses na aking narinig. Ang tito ito ni Kristine.

“Sorry po. Hindi ko nailigtas si Kristine” sambit ko habang umiiyak.

“H-hinde”

“Aalis na ako” sabi sa’kin ng lalake.

Lilingunin ko na sana siya para makita ko man lang ang mukha niya ngunit hindi ako nagtagumpay.

“Kristine” tawag ni tito Eloy.

Naglakad siya papunta sa direksyon ko at narinig ko ang paghagulgol niya. Tumayo ako para harapin ang tito ni Kristine.

“Sorry po” sambit ko.

Napansin kong may mga staffs na ng condominium ang lumapit sa’min. May mga pulis din na dumating. Patuloy lang ang pag-iyak ko habang tinatanong kami at nililigpit ang bangkay ni Kristine. Di ko sinabi na multo ang pumatay sa kanya at tinuran ko nalang na isang pagnanakaw. Tahimik lang ang tito ni Kristine at tuloy ang pag-iyak. Lumapit ako at hinawakan siya sa braso. Nagpunas ako ng luha at napansin kong may hawak siyang garapon.

“Uuwi na ako. Kailangan ko pa maghanda para bukas” sabi nito ng hindi man lang tumitingin sa’kin. Hindi ko naman siya masisisi kung ako ang sisisihin niya sa pagkamatay ni Kristine. Kasalanan ko naman kasi ito.

Lumabas ako ng condominium at hindi na ako sumabay sa pagdala ng bangkay ni Kristine. May isang pulis na lumapit sa’kin at may inabot itong bracelet. Kakaiba ang kilos ng pulis na ‘yon. Alam kong hindi dapat binibigay ang mga ganitong gamit sa’kin pero bakit niya binigay? Napatingin ako sa hawak kong bracelet. Kahawig ito ng bracelet ko pero mas detalyado. Tingin ko, ito ang proteksyon ni Kristine. Ibabalik ko ito sa kanya.

Bumaba ako ng building at naghintay ng taxi. Pupuntahan ko siya sa morgue. Pagkarating ko, diretso lang ang paglalakad ko papasok ng building. Di ko na pinansin ang mga kaluluwang bulong ng bulong. Nakakatakot sila pero unting-unti na ako nasasanay. Kailangan lang hindi ko sila pansinin para hindi nila ako guluhin.

Lumapit ako sa isang counter at tinanong kung nandito na ang bangkay ni Kristine. Nandito na daw. Tumango ako at naglakad papunta sa morgue. Wala akong takot sa bangkay pero kinakabahan akong mapalapit sa kanila. Para kay Kristine naman ito eh.

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon