Chapter 12

472 15 5
                                    

A CHAT WITH A GHOST

Chapter 12

"Sino siya, Vin?" tanong ko.

Ito na ba? Ito na ba ang oras na malalaman na namin kung sino ba talaga si Dae?

"Siya po yung lalakeng nakamotor. Yung-"

"I'm back"

Napatingin ako sa pumasok sa kwarto. Si Chester lang pala.

"Teka, ano pinag-uusapan niyo? Mukhang seryoso ah" natatawa niyang sambit.

Biglang naglaho si Dae. Saan naman kaya yun pupunta?

"Bakit ang bilis mo?" tanong ko.

"Ha? Kape nalang ang binili ko. Mas matatagalan pa ako kung pagkain eh sagot niya. Bakit? Ano ba ang pinag-uusapan niyo?"

"'Yung lalakeng nakamotor, kuya" sagot ni Vin.

"What?! Forget about that fvcking guy! Don't you ever tell it to someone anymore! Do you understand me?!" galit na tanong ni Chester kay Vin.

Bakit siya nagagalit? Anong ginawa ng lalakeng yon kay Vin? Napatingin ako sa nanay nila. Umiiyak ito. Sinulyapan ko si Dae. Seryoso lang siyang nakatingin sa dalawa.

"Okay po" sagot ni Vin.

Narinig kong huminga ng malalim si Chester at lumapit sa kapatid niya. Inilapag niya ang kape sa table sa may gilid ng kama.

"I wish that man is dead right now" sambit niya.

Ang laki ng galit niya doon sa lalake? Saan ba nanggagaling ang galit at puot niya?

"Kuya, don't be bad" sambit ni Vin sa kanya.

"Sorry Vin... I gotta go. Ihahatid ko pa ang ate Fee mo" pagpapaalam niya. "Papapuntahin ko dito si dad bukas." Sambit niya at agad tumayo sa kinauupuan niya.

"Bye Vin" pagpapaalam ko.

"Bye ate" pagpapaalam niya sakin.

Lumabas na kami sa kwarto ni Vin. Napayuko ako habang naglalakad. Souls and spirits walking down. Nakarating na kami sa kotse niya. Nagulat ako ng may babae sa backseat.

Yung babaeng naka-uniporme na naman.

Nakaupo ito..

Inikot niya ang ulo paharap sakin

Napapikit ako at napakapit sa braso si Chester..

"FEE?!"

Napatingin ako kay Chester ng sumigaw siya.

"Anong ginagawa mo? Pumasok na tayo sa loob" inis niyang sambit.

Tinignan ko ulit ang kotse. Wala na ang babae. Nagsimula na akong maglakad papasok ng kotse. Naupo agad ako sa front seat at ikinabit ang seatbelt. Tinignan ko si Chester. Seryoso lang siyang nakabaling sa manibela. Pinaandar na niya ang kotse. Mukhang irita parin siya dahil sa lalakeng naka-motor.

"Sino yung lalakeng naka-motor?" tanong ko.

Agad akong napatakip ng bunganga. Wala talagang tigil ang bunganga mo Fee!!!

"Siya ang dahilan kung bakit na-comatose si Vin. Hinahabol ko ang kapatid ko noong araw na yon..."

*Flashback*

Chester's PoV

"Vin!!! Vin sandali!!!" sigaw ko.

Haist! Kulit naman nito eh! Excited kasi masyado pumunta sa amusement park. Malayo pa naman ang parking lot dito at nandoon ang kotse namin.

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon