Chapter 14

482 10 1
                                    


A CHAT WITH A GHOST
Chapter 14

Napabalikwas ako ng maramdaman kong may tumititig sa'kin. Dinilat ko ang mata ko. Si Dae lang pala.

"Morning baby babe luvs sweetheart" bati niya.

Kumunot ang noo ko nang mapansin kong nakatakip ng kumot ang kalahati niyang mukha. Anong trip nito?

"Bakit mo tinatakpan mukha mo?" tanong ko.

Napangiti siya.

"Baka kasi imbes na ma-surprise ka eh matakot ka hehe"

"Baliw. Di ka naman nakakatakot eh" sambit ko.

Napailing nalang ako. Napabaling ako sa phone ko. Binuksan ko ito. May message ni Milky at Cho. Nagulat ako ng may pumasok bigla sa kwarto. Napaupo ako at gulat na tinignan sila.

"Milky?! Cho?!" tanong ko sa kanila.

"Oh my God! Ayan na naman! Lumulutang kumot!!" sigaw ni Milky.

Napatingin ako kay Dae. Hawak-hawak niya ang kumot. Hinatak ko ito agad. Biglang may sumabat na babae galing sa likuran nilang dalawa.

"May nararamdaman akong presensya" sabi ng matabang matandang babae.

"Ano bang ginagawa niyo dito? Sino 'yan?" tanong ko.

"Fee, isa siyang espiritista. Di talaga kami makapaniwala sa nakita namin kagabi"

I just face palm. Ang kulit nila!!!

*Flashback*

"Saan ka pupunta, Dae?" tanong ko.

Naiirita kasi siya kasi di natuloy 'yung balak niya. Nang hina kasi siya bigla.

"Di ko alam. Hahanap ako ng paraan para lumakas ulit" sagot niya.

"Takutin mo ako. Malay mo, bigla kang lumakas dahil sa'kin" nakangiti kong sambit.

Naupo ako at sumandal sa head board ng kama. Kinuha niya ang kumot at tinakip niya sa kanya. Anong gagawin niya? Lumabas siya ng pinto pero naiwan ang kumot. Loko-loko talaga. Di tatagos ang kumot sa pinto. Natatawa na ako sa kanya. Binuksan ko ang pinto.

"Hoy, ito oh!" sabi ko sabay tapon ng kumot sa kanya. Isinara ko ito at naupo ulit ako sa kama. Ano naman kayang pakuno nito?

Pagkalipas ng ilang minuto, walang Dae na dumating. Tumayo na ako sa kama. Saan naman 'yun nagpunta?

"Aaahhhhhh!!!!!"

Agad akong lumabas ng kwarto dahil sa tili. Nadatnan kong nagtitilian sina Milky at Cho dahil kay Dae. Nakita kong ibinaba ni Dae ang kumot.

"Milky, Cho, calm down!" sigaw ko.

"May multo!!!!!" sigaw nilang dalawa.

Napabuga ako ng hangin. Sinamaan ko ng tingin si Dae.

*End Of Flashback*

"Paalisin niyo na siya" sabi ko sabay turo sa espiritista kuno.

"Paalisin muna natin ang multo dito Fee!" singhal ni Milky.

"Tss, bakit kasi pumapasok agad kayo sa condo ng may condo. Porket alam niyo ang password?! Haist!" bulyaw ko sa kanila.

Magpapalit na nga ako ng password. Kainis kasi eh. Hindi man lang magdoorbell. Ayan tuloy, nadatnan si Dae.

"Fee, tutulungan ka lang namin mapaalis ang multo dito" sambit ni Cho sa'kin.

"Haist, bahala kayo!"

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon