Chapter 39

404 17 3
                                    

A CHAT WITH A GHOST
Chapter 39

Napangiti ako sa nabasa ko. Bumaling ako kay Dae na seryosong nakatingin sa'kin. Nagulat ako ng iikbi-ikbi ang loko. He was about to cry. Napailing ako at nireplyan siya.

Me: Don't cry. I love you too, my Baby ghost

Tumunog ang phone niya at halatang binasa ang message ko. Umaliwalas ang mukha niya. Napatingin ako sa phone ko ng tumunog ito.

Dae: Sayo lang naman ako nagiging iyakin eh.

Me: Para kang bata pa nga hahaha

Dae: Bakit? Anong masama doon? Baby mo ako di ba?

Napatingin ako kay Dae at nakanguso ito. Napangiti ako at nagchat ulit.

Me: So childish

Dae: Fee, may tanong ako sayo...

Me: Ano 'yon?

Dae: Ahh matatanggap mo pa ba ako bilang boyfriend? Alam kong nasaktan kita at iniwan kaya okay lang kahit hindi ang sagot mo.

Huminga ako ng malalim at sinagot siya.

Me: Wag mo na sisihin ang sarili mo. Di naman tayo nagbreak kaya sayo pa rin ako.

Dae: Thank you..

Napatingin ako sa kanya at nginitian siya. Wait, asan na kaya si Kenji?

Me: Dae, nakita mo si Kenji?

Biglang nagdilim ang awra sa di ko malamang dahilan. Dali-dali itong nagreply.

Dae: Fee, wag mo nang alalahanin 'yung lalakeng 'yon! Kung nasan man siya, sana maaksidente siya.

Me: Nababaliw ka na ba, Dae? Katawan mo 'yon. Baka may kung anong mangyari sa kanya.

Dae: Nag-aalala ka talaga don ah. Nakakainis ka.

Me: Ikaw lang ang inaalala ko.

Dae: Edi wow, bakit mo tinatanong kung nasaan siya?

Me: Bakit? Anong masama doon? Nagseselos ka ba sa kanya, Dae?

Dae: Hindi ah. Naiinis lang ako dahil mas inaalala mo ang lalakeng 'yon.

Me: Sus seselos ka lang eh hahahaha

Mahina akong natawa at napansin kong nakatingin si kuya sa'kin na parang nagtataka.

"Sino 'yan? Ngingiti-ngiti ka pa dyan na parang tanga" tanong niya.

"Kaibigan ko lang kuya"

Napatingin ako sa phone ko.

Dae: Aray ah!

Napangiti ako ulit. Di ko napansin na nakatingin pa rin pala si kuya sa'kin. Bumaling ako sa kanya ng magsalita siya.

"Kaibigan? Nagbablush ka nga diyan! Susumbong kita kay daddy, Fee" babala ni kuya.

"Kuya, wala nga 'to. Sina Milky at Cho lang" palusot ko.

Sana lumusot. Sana lumusooootttt.

"Utut mo, kausap mo lang kanina 'yung dalawa ah"

"Di ba pwedeng namiss namin ang isa't-isa? Napaka-issue mo pa nga kuya"

Inirapan ako ng loko. Kung hindi ko lang kuya 'to, baka binigwasan ko na. Naglaro ulit siya ng ML.

"Adik" mahinang singhal ko.

"Sino adik?" iritang tanong ni kuya.

"Ako kuya, baka ako?" natatawa kong sambit. Sarap inisin hayss.

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon