Chapter 15

492 11 6
                                    

A CHAT WITH A GHOST
Chapter 15

"Alis na ako" paalam ko kay Gerald.

"Okay, see you later" nakangiti niyang sambit. Pinagmasdan ko nalang siyang pabalik sa court. Bumaling ulit ako kay Dae.

"Pssh panira" singhal ko.

Nagulat ako ng may yumakap sa'kin. Sina Cho at Milky lang pala!

"Sorry na Fee" mangiyak-ngiyak na sambit ni Milky sa'kin.

Lumayo sila.

"Bakit kasi kayo nagpapaniwala doon?" sambit ko.

"Fee, sige nga. I-explain mo sa'min 'yung lumulutang na kumot" sambit ni Cho.

"Hinangin?"

"Uu nga noh" pagsang-ayon ni Cho.

Napatikim ako. Ang dali nilang utuin.

"Helloooo"

Napatingin ako sa tumawag. Si Kristine pala.

"Hello Kristine!!!" bati ni Milky.

"Yow" bati ko naman.

"Oh asan 'yung jowa mong mukhang bakla?" natatawang tanong ni Cho.

Habang nag-uusap silang tatlo. Napatingin ako sa court sa gilid. Wow! Ang galing ni Gerald! Three point shooter.

"Hoy Fee! Tulala ka na naman kay Fafa Gerald!" tawag sa'kin ni Cho.

Napatingin ako kay Dae sa gilid ko. Konti nalang mag-aalab na ang mata niyang malamig.

"Isa pang tingin mo" seryoso niyang sambit.

Napalunok ako.

"Wala...wala. Tuloy niyo lang ang usapan niyo" sabi ko sa kanila.

Edi ayun! Nagdaldalan na naman ang tatlo. Nakikinig na lang ako sa kanila. Pati rin si Dae, nakikinig sa pinag-uusapan ng tatlo eh. Maya-maya, napasinghap ako ng may tumawag sa'kin.

"Fee!!!!"

Uh oh! Si boses ni Gerald. Si Gerald yata 'yun.

"Feeeeeeeeee"

Si Gerald nga. Crush ene be?! Kung kailan may bf na ko ihh.

"Subukan mong lumingon" babala sa'kin ni Dae.

"Hoy babaita. Tawag ka ni Fafa Gerald" natatawang sabi sa'kin ni Milky.

"Feeeeeee!!!!!!" Si Gerald na naman. Bakit kasi hindi nalang siya lumapit para di ko na kailangan lumingon?!

"Ayts pakipot si etey!" biro sa'kin ni Cho.

"Once you looked at him, I get rid of his life" babala sa'kin ni Dae.

Lumingon ako sa kanya. Kinuha ko ang phone ko at agad siyang chinat.

Me: Bakit? Anong masama? Makikipag-usap lang naman ang tao eh

Napansin kong kinuha niya ang phone niya. Nagulat ako ng may lalakeng humawak sa braso ko dahilan para mapaharap ako.

"Gerald?!" taka kong tanong. Kunyari hindi ko alam.

"Kanina pa kita tinatawag" sabi niya sa'kin.

"Ayieeeeeeeeeeee"

Sinamaan ko ng tingin ang tatlo. Nagtilian ba naman ang mga loko. Pero infairness, medyo nagblush ako.

"H-hindi kita narinig eh. May ka-chat kasi ako sa phone" palusot ko.

"Maiwan muna namin kayo, Fee" natatawang sabi ni Cho.

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon