Chapter 43

338 16 4
                                    


A CHAT WITH A GHOST
Chapter 43

Pagdating namin sa restaurant, iginiya ako ni Dae sa isang bakanteng table. Nakangiting umupo ako doon at si Dae naman sa harapan ko.

"Grabe, ngayon ko palang yata mararanasan 'to. Nakakakaba pala ang makipag-date"

"Huh? Ngayon ka lang nakipagdate pero alam mo na ng ganito ang set up?" natatawa kong tanong.

"Yep! Nagsearch lang ako kung ano ang ginagawa sa date then ito ang nasa top list" sabi niya.

"Nice" sabi ko. May lumapit na waiter sa'min at hiningi ang order namin. Matalino si Dae. Alam ko 'yon at halata naman. Minsan nga lang nagiging stupid siya at irrational siya dahil sa'kin.

Pagkatapos namin, umorder ng makakain namin. Bumaling ako kay Dae na parang may hinahanap na kung ano.

"Ano hinahanap mo?" tanong ko.

"Nakita mo 'yung phone ko?"

Natawa ako bigla. Matalino pala ha? Nakalimutan niya bang tao siya at di niya pwede hawakan ang mga gamit niya bilang multo.

"Di ka multo, Dae. Eloy has his personal phone pero dahil hindi naman 'yon sa'tin. Gamitin mo nalang ang phone ko" sabi ko at inabot ko sa kanya ang phone ko. Akmang kukunin na niya ng bawiin ko ito. "Wait, para saan?" tanong ko.

"Ah eh, gusto ko lang magpicture tayo" nahihiya niyang sabi.

"Dae, si kuya Eloy-"

"Alam ko, basta gusto ko magpicture tayo. Nakakatakot kasi kapag nagpapicture ako sa tapos multo ako. Mas mabuti ng maayos ang mukha ko"

Huminga ako ng malalim. What can I expected? Kahit anong pilit, di siya makikita sa camera kapag multo siya.

"Okay, ikaw na ang humawak ng phone ko" sabi ko at ibinigay sa kanya iyon.

"Sige, sige, tara na, picture na tayo!" masaya niyang sambit habang kinakalikot ang phone ko.

Lumapit siya sa'kin. Humilig ako sa gilid niya at ngumiti sa camera. Kakaiba ang post ni Dae. Nakadila siya at basta! Ang weird niya!

It takes ten shots bago siya mangalay at ibinaba ang phone ko. Buti at nangalay siya kundi panigurado puno ang gallery ko.

"Andyan na ang pagkain natin" sabi ko habang nakatingin sa waiter na papalapit sa'min.

"Don't stare at him. I'm jealous" mahinang sambit ni Dae. Mahina akong natawa. Selosong multo talaga. Inirapan ko lang siya. Dumating na ang pagkain namin.

"Kumain ka na at wag kang titingin" utos niya.

"Yes boss"

"Fee"

"Ito na, ito na" Sumandok ako ng kanin na may kasamang ulam, ang ulam namin ay ginataang hipon at isang adobong baboy. "Ang sarap naman nito" puri ko.

"Mas masarap ako" bulong ni Dae sa gilid.

"Syempre mas masarap ka Dae" natatawa kong sambit.

Nakita ko kung paano siya namula. Hmm, namula ba siya dahil sa hiya o dahil nagblush siya? Kakaiba talaga. Nagpatuloy siya sa pagkain ngunit binasag niya din naman ang katahimikan.

"Fee, pwede ba akong magtanong?"

Nilingon ko siya ng may curiosity sa mukha.

"You're asking already" sabi ko.

"Sorry, gusto ko lang sana itanong kung saan mo gustong ikasal?"

"Huh?" Bigla akong nasamid at kinuha ko agad ang tubig na nasa gilid ko. Ininom ko ito agad hanggang maubos. Napaka-straight forward. Is he indirect proposing me a marriage?

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon