Chapter 13

510 18 8
                                    

A CHAT WITH A GHOST
Chapter 13

Tulala lang ako dito sa tapat ng building. Nakatayo habang nililigpit ang bangkay ni Blaire. Napasinghap ako ng may yumakap sa’kin patalikod. Alam kong si Dae ito.

“Wag na wag na wag mong gagawin ‘yan” bulong niya sa tenga ko.

“Dae…paano kung maisipan ko ring gawin ‘yan? Mapipigilan mo ba ako? Paano kung bigla kang mawala?” tanong ko.

“Pipigilan kita as long as I can. Wag na wag mong gagawin ang ginawa niya. Jacob wasn’t beside her dahil…dahil kinuha na siya ng langit…..Fee, kung sa oras na kunin na din ako…Please, wag mo akong sundan. Promise me” sambit niya.

“Dae” Humagulgol na ako. Hindi ko na naman maramdaman ang balat niya. Malamig na naman.

“Tara na sa loob, Fee” sabi nito sa’kin.

Sinunod ko siya. Tuloy lang ang pag-iyak ko. Pagdating ko sa loob ng condo. Dumiretso agad ako sa kama at naupo. Napabaling ako kay Dae.

“Bakit ba ngayon ka lang?!” inis kong tanong sa kanya.

Pinunasan ko ang luha ko. Kailangan kong pigilan ang mga ito. Tapos na…patay na si Blaire. Sana magkasama na sila ni Jacob.

“Sorry, nagpaalam lang ako kay Jacob. Naramdaman ko kasi siya” sagot niya.

“Paano mo nakilala ‘yung multong gusto ni Blaire?” tanong ko.

“Kaibigan ko siya. Noong nakaraang araw ko lang nalaman na may gusto din siyang tao. Kaya pala may ka-chat din ‘yung g@go” sagot niya.

Naupo siya sa tabi ko. Iniiwasan niya ang tingin ko. Pakiramdam ko, may mali sa kanya ngayon.

“Fee, promise me. Wag mong gagawin ‘yung ginawa niya”

Napatingin ako sa kamay niya. Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko ngunit tumagos lang ito. Kinuha ko ang isang unan ang niyakap ko ito.

“Promise…” sagot ko.

“Bakit mo niyayakap ang unan?” tanong niya.

“Iisipin ko nalang na ikaw ang niyakakap ko…” mangiyak-ngiyak kong sambit.

Hindi ko siya mayakap. Bakit ganun? Kahit limang segundo lang sana ang ibigay basta mayakap ko siya.

“Wag ka na malungkot Fee. Ang pangit mo tuwing nalulungkot” natatawa niyang sambit.

Humarap ako sa kanya at hinampas ang unan. Tumagos lang ito sa kanya.

“Kakainis ka pa nga!” inis kong sambit.

Umiiyak na nga ko. Nagawa pa nitong magbiro! Ang sama niya.

“Panget mo naman kasi talaga eh” natatawang sabi niya.

“Che! Bwiset ka! Lumayas ka dito!” sigaw ko.

“Ayieee sorry na baby babe luvs sweet heart” natatawa niyang sambit.

Humiga pa siya sa kama ko. Bakit kaya hindi ito tumagos sa mga gamit?

“Oh bakit ganyan ka makatingin?” tanong niya. “Magpakasaya muna tayo. Kalimutan muna natin ang problema” natatawa niyang sambit sa’kin.

May mali talaga sa kanya ngayon….I can’t figure it out.

“My Fee, chill ka lang. Di pa ako mawawala.” natatawa niyang sabi.

Di pa siya mawawala? Mawawala siya kapag…kapag nalaman na niya kung sino siya. Tumango nalang ako. Tumayo ako sa kama at humarap sa kanya.

“Maghihilamos lang ako” paalam ko.

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon