Chapter 23

458 8 1
                                    

A CHAT WITH A GHOST
Chapter 23

“Fee”

I looked at Dae as he called me. He was very quiet today and I think, something’s bothering him. Nasa rooftop kami ng condo ngayon. Nakatingin lang sa mga bituwin. Our new hobby is to look up the sky, morning or night. It makes us calm and it makes us think that we are an ordinary couple like others.

“Why?” I asked. I looked at him.

“What if I’ve become a bad spirit like her?”

“Baby ghost, you wouldn’t. I trust you. You wouldn’t hurt me even though you’ve become a crazy bad spirit co’z I know, your heart will tell that you love me” I answered.

“Thank you” he smiley said.

“More much to say I love you than thank you, my Baby ghost” sambit ko sa kanya.

“Then I love you, my Fee”

I smiled sweetly. Lumapit ako para yakapin siya pero natawa siya ng tumagos ako.

“My Fee, sa panaginip later. May kailangan ka pang tuparin sa’kin” nakangiti niyang sambit at agad na pinagtaka ako.

“Ano ‘yun?” tanong ko.

“Hmm..I’ll kiss you torridly” he pouted.

“Aww okay. Lets go down stairs. I’ll sleep na” sabi ko sa kanya at abot langit na naman ang ngiti ng loko.

Unting-unti na ako nasasanay sa mga kaluluwang lakad ng lakad sa condo namin. Nakita ko din dito ‘yung dalawang namatay na kapitbahay ko, si sir Hubert at ‘yung isa pa, babae ito.

Pagkarating ko sa kwarto agad akong nahiga at tinignan ko lang si Dae. Seryoso na naman ang mukha. Mukhang may problema talaga si Dae. Ayaw ko namang pilitin siya.

“May pupuntahan lang ako. Matulog ka na and be ready” pagpapaalam niya sa’kin.

Nakangiting tumango nalang ako at naglaho na si Dae sa harapan ko. Inihilig ko ang ulo ko sa unan. Nagkumot ako ng makaramdam ako ng isang malamig na hangin. Si Dae lang siguro iyon. Ipinikit ko na ang mata ko.

Kristine’s PoV

“Yes dad?”

-Bisitahin mo nga ang uncle Eloy mo. Tignan mo kung humihinga pa-

Natawa ako dahil sa sinabi ni dad sa telepono. Loko-loko talaga.

“Dad naman, ang harsh mo kay tito. Alam mo namang may sariling mundo ‘yon eh” I said.

-Oo na. Basta bisitahin mo ah. Ibababa ko na ‘to. Tawag ako ng secretary ko-

Bigla nalang niyang pinatay ang phone.

“Dad as always”

Lumabas na ako ng bahay at agad na pumunta sa bahay ni tito Eloy. Kahit medyo maggagabi na, okay lang para sa’kin. Sanay naman akong bumiyahe. It was almost seven in the evening nang makarating ako sa bahay. Hindi na akong nag-atubiling pumasok ng makita kong bukas ang gate. May bisita yata si tito at nakalimutan niyang isara ito.

“Tito?” tawag ko.

Naririnig kong may kausap si uncle sa kusina. Dahan-dahan akong naglakad para hindi makaabala sa kanila. Pagpasok ko sa kusina, nadatnan kong may kausap si uncle pero...

“Dae, mahina ka na. Matuto kang magsakripisyo para kay Fee. Marami ng isinakripisyo ang girlfriend mo para sayo. Ang tahimik niyang mundo ay naging magulo dahil sayo” sambit ni uncle sa kawalan.

Sino kausap niya? Dae? Wait...’yung multo? Agad akong lumapit sa kanya.

“Uncle? Are you talking to that ghost again?!” bulyaw ko sa kanya.

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon