Chapter 44

278 11 0
                                    


A CHAT WITH A GHOST
Chapter 44

Tuwing nakikita ko ang engagement ring namin natatawa ako. Sino ba namang multo ang magbibigay ng ganitong singsing? Made by himself ba naman. Kaya ko siya nagustuhan eh. Hahanap ng paraan para lang magawa ang gusto niya. Napakaclever din mag-isip. May tao pa lang este multo na makakagawa ng singsing na gawa sa mga tinapyas na balat ng kahoy, dahon at Santan. In fairness, ang ganda niya.

We are on the way sa may isang strawberry farm dito sa Baguio. Naka-van kami papunta dito at kasalukuyang paakyat na. Malamig ang temperatura pero di ko naman masyadong nararamdam dahil sa suot naming jacket. Akala ko nga di kami matutuloy dahil sa nangyari kagabi.

*Flashback*

"We're getting married" paulit-ulit na usal ni Dae habang naglalakad kami pauwi sa hotel.

"You said it in a fifth time, Dae" sabi ko nalang. Binibilang ko talaga kasi paulit-ulit.

"I can't believe it" mangha niyang sabi.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Kahit ako, di rin makapaniwala na ikakasal kami.

"We're getting married" bulong ulit ni Dae sa kung saan.

Napangiti nalang ako. Ikakasal na kami pero kailangan muna naming hanapin si Kenji para makabalik na siya tuluyan at maging masaya na talaga kami.

Nang makita kong malapit na kami sa hotel, binitawan ko si Dae at kunot-noo naman siyang tumingin sa'kin. Nginitian ko nalang siya at muli kaming naglakad papunta sa hotel. Agad kaming pumasok at alintana ang ilang bulungan sa gilid. Iniisip nila na kamag-anak ko si kuya Eloy. Mas mabuti na 'yon kesa ma-issue na merong kami eh wala naman.

Pagkarating namin sa kwarto ay agad akong naupo sa may kama. Sinulyapan ko ang singsing ko at napangiti ako.

"What the-"

Bigla akong napatingin kay Dae. Wala na siya sa katawan ni kuya Eloy. Bumaling ako kay kuya Eloy na nakahawak sa sintido niya. Masakit ba sa ulong sapian?

"Anong nangyari?" tanong ko.

"Dae? hey!" tawag sa kanya ni kuya Eloy pero di ito kumikibo. Doon na ako kinabahan.

Napatayo ako. Bigla akong hinarangan ni kuya Eloy makalapit kay Dae.

"Dae, ayos ka lang? Kuya Eloy, palapitin mo ako. Nanghihina siya oh" sabi ko.

Akmang lalapit ako ng bigla akong hinatak palayo ni kuya Eloy kay Dae. Iginiya niya ako sa likod niya na ikinataka ko lalo. Anong problema? Sinulyapan ko si Dae. Nakayuko siya at ang dilim ng awra niya.

"Dae..." tawag ko sa kanya.

"Sshh, Fee" pagpapatahimik sa'kin ni kuya Eloy.

"Anong-" Di na natuloy ang tanong ko ng biglang gumalaw si Dae sa pwesto niya.

Inangat nito ang ulo niya. Tumindig ang balahibo ko ng tumingin siya sa'kin. Nanlaki ang mata ko ng makita na tumutulo ng dugo ang parte ng pisngi niya na may sunog. Para itong nabubulok at nagsusugat. Gusto ko siyang lapitan pero ayaw ni kuya Eloy. Nag-aalala ako. Hindi ko alam ang nagyayari sa kanya.

"Dae..." mahina kong tawag.

Bigla siyang naglaho sa pwesto niya. Next thing I found out, bigla siyang lumitaw sa gilid ko at...sinakal niya ako.

"Dae!"

"Ibaba mo siya, Dae!" sigaw ni kuya Eloy sa gilid ko.

"D-Dae!"

Nararamdaman ko ang pag-angat ng paa ko sa sahig. Nakita kong tumalsik si kuya Eloy sa gilid ng kwarto gamit ng peripheral vision ko. Nahimatay siya. Nangyari na ito dati sa'min. Naging masamang espirito na din dati si Dae ngunit pagpapanggap lang 'yon...Ang Dae na nakikita ko ngayon hindi na umaarte.

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon