Chapter 37

331 12 0
                                    

A CHAT WITH A GHOST
Chapter 37

Its time. Uwian na namin. Kahit labag sa loob kong sumama kay Kenji, I don't have a choice. I need to pretend for Dae. Alam kong may plano si Dae para sa'min. I must wait and its for me to find out kung ano ang balak niyang gawin. Di pa nga nawawala ang babaeng 'yon. Sumingit naman ang espirito na nasa katawan ni Kenji. I'm still curious kung ano ang real name niya.

Speaking of the devil, I saw Kenji walking towards me. Ginawaran ko naman siya ng isang pekeng ngiti.

"Kanina ka pa ba naghihintay?" tanong nito.

"Nope, kalalabas lang namin" sagot ko.

"So lets go"

Iginawad nito ang kamay niya at inabot ko naman. We walked towards the parking lot. Bakit papuntang parking lot? Ang alam ko, walang kotse si Kenji. Nagjeep pa nga kami dati.

"May kotse ka? Papunta tayong parking lot ah" sabi ko.

Tumingin ito sa'kin at ngumiti. His smile is not like Dae but it was genuine, I think. He looked away.

"May motor ako. Hindi ko lang dala noon dahil walang gas. Sorry, dahil pinagjeep kita" sambit niya.

Huminto kami sa isang motor. Napansin kong may kinukuha siya sa bag niya. Inilabas niya ang isang jacket galing dito. Ibinigay niya ito sa'kin. Akmang susuotin ko na ito ng pigilan niya ako.

"Wag! Ilagay mo 'yan sa lap mo. Nakakairitang may tumitingin na mga driver sayo" sabi nito.

I can't help but to smile. Mabait naman si Kenji, such a gentleman.

"Tutunganga ka na lang dyan? Hop in" natatawang niyang sambit.

Napangiwi ako at sumakay na sa likod ng motor. Side way ang ginawa kong upo dahil nga nakapalda ako. Inilagay ko ang jacket ni Kenji sa lap ko at hinayaang lumadlad. Kumapit ako sa katawan niya. Sorry, Dae. Sabi mo nga, I need to pretend.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

Pinaandar na niya ang motor. He maneuver like a professional driver. Ilang segundo din ang lumipas ng sagutin niya ako.

"Fee, gusto kong sumama ka sa'kin" sabi nito.

Bigla akong tinamaan ng kaba dahil sa sinambit niya. His voice was cold and there's something I can feel. May kung ano sa boses niya na nagpakaba sa'kin. I don't know what it is.

"Ha? Kasama mo na ako ngayon ah" kaba kong sagot.

I heard him sighed. Naramdaman kong medyo bumibilis ang andar namin. I'm getting nervous.

"Be with me forever, mahal. Alam kong alam mo ng hindi ako ang Dae na hinahanap mo"

That makes me froze. Alam niya? God, anong gagawin ko? Paano niya nalaman na alam ko? Mas bumilis pa ang andar namin at napakapit ako lalo.

"K-Kenji, slow down"

"Sabi mo, hindi mo ako iiwan di ba?" kalmado nitong tanong.

"Kenji, please, slow down. Baka maaksidente tayo" sabi ko.

"Give me your soul, mahal. Manatili ka lang sa tabi ko"

Natahimik ako. He is not Dae. Hindi ako sasama dahil wala naman akong maramdaman sa kanya. Ano ang gagawin ko?

"Hindi ikaw si Dae" sagot ko sa kanya.

I felt that he was tensed. Humarurot lalo ang motor. My heart was beating fast dahil sa kaba. I'm scared and nervous.

"If that what it takes, I need her help rather" malamig nitong sabi.

"Her?"

"Yeah"

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon