Chapter 10

552 18 1
                                    

A CHAT WITH A GHOST

Chapter 10

"Fee?"

Napatingin ako sa tumawag sakin. Nasa arcade na pala ako kasama nilang tatlo.

"Bakit?" tanong ko.

Lutang ka. Pinapakilala namin si Andrew, boyfriend ni Kristine sabi ni Cho sakin.

"Ay hello" Nakipagshake-hands ako sa lalakeng iyon. Tinignan ko siya. Nanlaki ang mata ko dahil

"IKAW?!" sigaw ko.

Fvck!! Siya yung lalake na nakakita sakin sa CR ng lalake!!!! Omo, bakit nagkita pa kami?

"Kilala mo boyfriend ko Fee?" nakangiting tanong ni Kristine sakin.

"Baby luvs, siya yung babae na nakita ko sa CR" natatawang sagot ni Andrew.

Anak ng tekwang! Bakit kailangan pa niyang ipaalam?!!

"Oh my ghad! Pumasok ka sa CR ng lalake?!!" gulat na tanong ni Milky.

"Hindi ko naman sinasadya eh!!" I just pouted.

"Bakit ka ba natagalan kanina?" tanong ni Cho.

Kasi

*Flashback*

"Umalis ka sa dadaanan ko Dae. Hinihintay na ako" sabi ko.

Geez, bakit kasi ayaw akong padaanin nito?! Ayoko namang tumagos kasi sobrang lamig sa pakiramdam.

"Tell me first, I love you Dae" nakangiti niyang sagot.

"Che! Tigil-tigilan mo nga ko!!"

He laughs. Napangiti ako. What a cute laugh?! Tumingin siya sakin.

"You know what? Minsan naiisip kong gahasain ka sa panaginip sambit niya. Ayokong gawin yun dahil baka kapag kinuha na ako ni Lord, baka mapunta ako sa impyerno" dugtong niya.

Sumeryoso ang mukha ko. Hindi siya magtatagal sa mundo. Kukunin siya at kukunin. Ano nalang ang gagawin ko sa oras na yon?

Itinagili ko bigla ang ulo ko. May batang babae

"Excuse me po" sambit niya kay Dae na nakaharang sa daan.

Wait

What?!!

Nakikita niya si Dae..

"Ikaw lang ba mag-isa?" tanong ko sa bata.

Hindi sumagot ang bata.

"Fee" seryosong tawag sakin ni Dae. Napatingin ako sa kanya.

"Bakit?" tanong ko. Naglakad papasok sa cubicle ang bata.

"Umalis ka na sa CR" sambit ni Dae sakin.

"Ha? Bakit? Kawawa naman yung bata. Mukhang walang kasama" sabi ko.

"Basta umalis ka na. I'll explain you later. Umalis ka ngayon" matigas niyang sabi.

Tumango nalang ako at naglakad na palabas ng CR. Anong problema niyon? Porket nakita lang siya ng bata eh. Biglang may narinig akong pagkanta sa CR kung saan ako nanggaling. It was a Nursery Rhyme. Humarap ako kung saan ako galing. Nagsimula na akong maglakad pabalik.

Biglang sumulpot si Dae sa harap ko.

"Tsk, sabi ko, wag ka na bumalik eh" irita niyang sambit.

Sinubukan niyang hilain ang kamay ko at nagtagumpay siya. Wow! Inilabas niya ako sa pasilyo. Buti nalang walang tao, kundi para akong tanga na mukhang kinakaladkad ng hangin.

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon