PROLOGUE

20.2K 421 15
                                    


PROLOGUE


"MR. KIM!" agad na bumalik ang atensyon ni Xandro ng marinig ang matinis na boses ng physics teacher niyang medyo matanda na.

"Yes, ma'am?" sagot niya sabay tayo ng makita na matalim ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.

"Kanina pa kita tinatawag ah. Answer my question."

"Ahm..Sorry, ma'am. I haven't heard your question. Pwede po paki ulit?" napakamot siya sa batok niya dahil sa hiyang naramdaman. Pano kasi, natuon ang atensyon niya sa labas ng classroom ng makita ang isang dalaga na alam niyang nasa lower year dahil sa blue I.D. holder nito, tanda na nasa third year ang dalaga.

Maga ang mata habang naglalakad kasama ang mga kaibigan nito at kitang-kita pa niya ang mga luhang namamalisbis sa maganda nitong mga mata at dumadaloy iyon sa chubby nitong mga pisngi. Hindi niya maintindihan kung bakit nalungkot siya sa nakita niya.

Damn it. That beautiful girl is crying. Ano kaya ang nangyari sa kanya?
Ayan. Nawala na naman sa isip niya na nakatayo pala siya sa klase at nasa kanya ang atensyon ng lahat at narinig uli niya ang boses ng teacher niya.

"Ang sabi ko, what is acceleration?" humalukipkip ito habang naghihintay ng sagot niya.

Shit! Di ako nakagawa ng assignment!

"Ahm.."  nagbaba siya ng tingin ng pasimpleng ipinatong ng isa sa mga kaibigan niya ang notebook sa arm chair niya at agad niyang binasa ang definition na nakasulat doon. "...Acceleration is the rate of change of velocity of an object with respect to time. An object's acceleration is the net result of any and all forces acting on the object, as described by Newton's Second Law." Binalik niya ang tingin sa teacher nila na nakatingin pa rin sa kanya.

Ang mga baliw naman niyang mga kaibigan ay panay ang bulungan at nanunudyong nakangiti sa kanya. Napailing na lang siya, mukhang alam ng mga ito kung bakit nawala sa klase ang atensyon niya.

"Very good, Mr. Kim. But please, next time, makinig ka sa klase. Hindi yung kung saan-saan lumalakbay 'yang isip mo. You're already fourth year, act maturely."

"Yes, ma'am. Sorry, po." Agad siyang naupo at agad namang nagbulungan ang mga babae niyang mga classmates at pangiti-ngiting nakatingin sa kanya, pero hindi naman niya iyon pinansin.

Well, he's a campus heartthrob. Ano pa kaya pag kaklase nila siya. He's half-korean, half-italian, with a filipino heart. Sino ang hindi magkaka-crush sa ganyan, di ba?

If ever I will see you again in the future, I promise not to make you cry. And I will make you mine. 



A/N: So ayun, si Xandro ang biktima 😂 Hindi naman ako excited na unahin si Jarine at Xandro 😂 Sana suportahan niyo pa rin..huhuhu..

xoxo ❤

Branded Series Book 4: Jarine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon