CHAPTER 20

13.1K 347 30
                                    


CHAPTER 20
✈️💔📚

PAGKAGALING SA bahay ni Xandro, naisip ni Jarine na dumeretso na lang muna sa ospital. Magpapa- check up siya. Kahit pa nga kinakabahan siya at walang kasama. Kailangan niyang masiguro kung tama ang hayop niyang ex.

Sa DK Medical Hospital siya nagtungo dahil mas advanced iyon kesa sa ibang hospital. Magpapa- appointment lang muna siya sa OB- Gynecologist doon.

Agad siyang binigyan ng form para mag-fill up. Pero nang makita ng mga staff na isa siyang Kim at kung sino ang spouse niya, agad siyang dinala sa clinic ng OB- Gyne doon. Hindi na daw niya kailangan ng appointment. She's a VIP.

So, this is how being a Kim feels like.

Mabilis siyang pumasok sa clinic at malapad siyang ngumiti sa magandang doktora na nakatitig sa kanya at binasa ulit ang form na sinulatan niya kanina.

"Mrs. Kim?" Tanong nito na parang naniniguro.

"Ahm- yes? That's me."

"Upo ka." Tumitig ulit ito sa kanya. "So, asawa ka ni Xandro." Anito na parang close ito sa asawa niya.

Nagsalubong ang kilay niya. "Yes. I'm his wife. Kilala mo ang asawa ko? I mean, personally."

Ngumiti ito sa kanya. "Of course. His family owns this hospital. And I'm friends with his twin."

Tumango lang siya. Doctor nga din pala ang kambal n'on na si Xandra. At alam naman niya na pagmamay- ari ng pamilya nito ang hospital pero hindi niya alam na may kakilala itong magandang doktora.

"God! Hindi man lang kami inimbita sa kasal niya. I didn't even know he got married." Naiiling na natatawa ito.

"Well, it was rushed. I'll tell him to invite you on our grand wedding." Kung may magaganap pang wedding. Eh pinagsawaan na ako n'on.

Tumaas ang kilay nito at may nanunudyong ngiti. "Rushed? So, kaya ka ba nandito? May laman na ba ang tiyan mo? I'm Dr. Juniper Valdez, by the way." Inilahad nito ang kamay sa kanya.

"Nice to meet you po, doc." Tinanggap niya ang pakikipag- kamay nito. "Jarine Barrera." Nag-iwas siya ng tingin. "..Kim." Gosh! I feel weird all of a sudden.

"Dito tayo." Iginiya siya ng doktor patungo sa higaan na naroon.

Nang makaupo siya doon, hindi na siya nagdalawang- isip at sinabi ang pakay niya. "Actually, Doc, I'm here to see if I can get pregnant."

Nagsalubong ang kilay nito. "Feeling mo infertile ka?"

Napabuntong- hininga siya at tumango. "I just want to make sure. Parang wala pa rin kasi eh. At paminsan- minsang nananakit ang puson ko. Dati tuwing may period lang ako, but now, sumasakit siya from time to time. Our family has history of ovarian cyst and cancer. So, baka ako..."

"Okay. Sasagutin natin 'yang tanong mo." Sansala nito na parang ayaw marinig ang karugtong ng sasabihin niya.

The doctor asked her some questions and run some tests, pagkatapos, iniwan muna siya nito saglit at lumabas ng clinic.

Kinakabahan siya. Sana wala siyang problema sa ganitong bagay. Gusto niyang magka- anak.

Pero sa araw-araw na ginagawa nila iyon ng asawa niya, bakit parang wala pa rin, wala siyang maramdaman na magsasabing buntis na siya. Hindi din naman niya pwedeng pagbasehan ang monthly period niya dahil minsan, may buwan na hindi siya dinadatnan o minsan delayed.

Sana hindi makalusot sa kanya ang cancer. Sana wala lang 'yung paminsan- minsan na pananakit ng puson niya.

Tumikhim ang doktora pagkabalik nito sa loob ng clinic kaya natigil ang iniisip niya. "Ahm- the results are out."

Branded Series Book 4: Jarine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon