CHAPTER 21

12.1K 324 31
                                    


CHAPTER 21
✈️❤📚


PAGOD SI Jarine pagkabalik nila sa condo kaya nakatulog siya agad. Pagkagising niya kinaumagahan, iba na ang suot niya. Sigurado siyang inasikaso siya ng asawa niya.

Madilim pa ang kalangitan ay bumangon na siya para mag- ayos papuntang trabaho.

Naningkit ang mga mata niya nang may nakita siyang isang tangkay ng tulips sa paanan niya. Kinuha niya iyon at nakita niyang puno ng pink rose petals ang sahig.

Peste nagkalat pa sa sahig.

Pero kinikilig talaga siya, ayaw lang niyang maging marupok.

Pumasok siya sa banyo para maligo at hanggang doon, nagkalat ang rose petals sa sahig, at meron din sa tub na may bubble bath. May tangkay din ng Star Gazer sa marmol na lababo at may note. Sulat- kamay iyon ng asawa niya.

'Good morning, My  Gorgeous Wife ♡ '

Pigil niya ang ngiti habang pinagmamasdan ang ginawa ng asawa niya. Marupok pa man din siya.

Inilagay niya sa vase na may tubig ang mga bulaklak at naligo na sa inihanda nitong bubble bath para sa kanya.

Pagkapasok niya sa walk-in closet, may mga bago doon sa paningin niya na nakapatong sa tapat ng vanity mirror. Naka-bundle na Victoria's Secret products. At 'yon ang scent na gustong- gusto niya.

Jusko galawang Xandro na naman 'to.

Agad niyang ginamit ang mga 'yon at nagbihis na. Ayaw niyang ma- late sa trabaho.

Pagkalabas niya ng kwarto, naamoy agad niya ang pagkain kaya mabilis siyang nagtungo sa kusina at naabutang abala sa pagluluto ang asawa niyang naka- boxer shorts lang pero naka- apron.

Kung hindi lang ako galit kanina ko pa na-chansingan 'to.

Napalingon sa gawi niya ang asawa. "Good morning, Amore. Kain ka na." Anito ng nakangiti at inilapag na sa mesa ang pinggan na puno ng bacon. Paborito niya kasi 'yon. "Upo ka. Ipagtitimpla lang kita ng kape."

"Ayoko mag- kape. Gatas lang ako." Mabilis na sagot niya at lumapit sa cup board.

Kinuha niya doon ang gatas niyang para sa nagbubuntis, pero tinapon na niya ang box n'on para di nito makita.

Nagsalubong ang kilay nito. "Weird."

Nagkibit- balikat lang siya at mabilis na nagtimpla ng gatas niya. Sunod niyang binuksan ang ref at may hinahanap siya doon.

"Saan ka kumuha ng pipino mo kahapon?" Aniya nang hindi lumilingon sa asawa.

"Binili ko. Meron pa diyan sa chiller. Tinago ko lang diyan kasi ayaw mo n'on di ba?" Sagot nito.

Agad niyang hinalungkat ang laman ng chiller at nakita ang pipino na natabunan ng maraming gulay.

Agad na nagliwanag ang mukha niya.
"Got it!"

Hinugasan niya iyon at binalatan saka pinapak kaya nagtaka ang asawa niya.

"May sapi ka ba? Bigla yatang nagbago ang trip mo?" Nagtatakang tanong nito at inihugot siya ng upuan.

"Lahat naman nagbabago bigla. Parang 'yong tingin mo sa'kin." Sagot niya at naupo na. Hindi pa rin talaga siya makamove-on sa sinabi nito sa kanya.

Branded Series Book 4: Jarine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon