✈️❤📚
CHAPTER 3NAGISING SI JARINE na medyo mabigat ang pakiramdam. Bakit ba kasi siya uminom? Eh mahina ang baga niya sa inuman? Maybe because she felt safe with Xandro. Hindi rin niya maipaliwanag pero pag iba ang kasama niya, iba ang pakiramdam niya.
Speaking of that hot pilot, ipinalibot niya ang paningin niya. Namilog ang mga mata nang makitang hindi ito ang kwarto niya sa hotel. Ibinaba niya ang tingin sa katawan niya at nanlaki lalo ang mga mata niya. Iba na ang damit na suot niya, at polo shirt iyon ng lalaki. Doon na siya kinabahan.
Shít. I’m so f*cked.
Pinakiramdaman niya ang pagkababae niya. Wala naman siyang sakit na naramdaman or something na makakapagsabing nagalaw siya.
Good.
Umalis siya sa kama at naglakad patungo sa terrace ng kwarto.
What the hell?? Nasaan ako??
Dumungaw siya sa terrace at bumungad sa kanya ang malapad na swimming pool sa baba.
She gaped at the view, Xandro is swimming in the pool, topless.
Inuwi niya ko sa bahay nila?? OMG.
Natigil ang iniisip niya nang umahon ito sa swimming pool. Hindi niya maiwasang hindi hagurin ng tingin ang katawan nito.
Ripped muscles, 8-pack abs, and his V-line is eye-catching.
Natuon ang atensyon niya sa matipuno nitong dibdib. She saw a tattoo on the right side of his chest. It’s a wings of some sort. Hindi iyon kalakihan. She’s not really fund of tattoos but damn! This guy looked so hot because of that tattoo.
“Staring is rude, Dimples!” Sigaw nito mula sa baba.
Namula ang pisngi niya at walang lingon-likod na pumasok ulit siya sa kwarto.
Shete! Nakakahiya!
Napaigtad siya nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang binata. Naka-topless pa rin ito at nagpapahid ng tuwalya.
Ang aga naman ng grasyang ito.
“Good morning, Dimples.” Nakangiting bati nito sa kanya.
“G-good morning. Ahm- bahay niyo ‘to?” Tanong niya kahit obvious naman na ang sagot habang umiiwas ng tingin.
“Yep. Dito na kita dinala, ang himbing na ng tulog mo kagabi sa kotse eh.”
“S-sino’ng nagpalit ng damit ko?”
Huminto ito sa harap niya bago sumagot. “Si nanay Lydia.”
Bumibilis na naman ang tibok ng puso niya dahil sobrang lapit nilang dalawa. “O-okay.”
“Tara, breakfast na tayo.”
“Okay.” Pakiramdam niya naging bato siya.
Hindi na siya nakagalaw sa kinatatayuan niya.
BINABASA MO ANG
Branded Series Book 4: Jarine (COMPLETED)
RomanceSabi nila you can't control who you fall for. Pero pano kung na -fall ka sa taong feeling mo ay hindi karapat-dapat para sa'yo? Kasi alam mong may mali sa'yo. Hanggang kailan mo kayang pigilan ang iyong sarili kung nilalandi ka niya ng bongga? Susug...