Surprise!!! May update! 😂 Pero last na to para sa Book 4 😂
A/N: First of all, wala po akong friend na Jarine..hahahaha! Kathang-isip ko lang po siya. Pero may inspiration ako sa pagsulat ng kwento niya..My Sister..
I want to dedicate this book sa ate ko..
I miss you, Ate..para sa'yo pala 'tong ginawa ko..sayang hindi mo na mababasa 'to 💔 andaya mo kasi nang-iiwan ka..pero okay lang, at least di ka na nahihirapan..missed you so much..love yah, ate ❤ you're always with me in my heart ❤
EPILOGUE
✈️❤📚NAGISING SI Xandro na tanging ang kambal na anak ang nasa tabi niya.
Napangiti siya sa lagay ng tatlong taong gulang na magkambal. Magulo ang kulay tsokolateng buhok ni Xanrine, naka-nganga si Xanrino, at nakapatong ang mga paa ni Xanrine sa tiyan ni Xanrino.
Yes, they have twins. Girl and boy. Sina Xanrino Jaden at Xanrine Jade.
Ganito siguro dahil naghintay sila ng tamang panahon at hindi nagmadali. Dalawa agad ang ipinagkaloob sa kanila.
They’re very cute and adorable. They have milky-white skin and chocolate-colored hair. And they have his hazel eyes and their mom’s chubby squishy cheeks. Pati ang magandang pilik-mata nito ay nakuha ng kambal. Pero mas mahaba ang pilik-mata ni Xanrino kesa sa kakambal nitong si Xanrine. And just like him and his twin, hindi gaanong magkamukha ang mga ito. Mas kamukha niya si Xanrino, mas kamukha naman ng asawa niya si Xanrine.
At siya talaga ang naglihi noong ipinagbubuntis ang mga ito ng asawa niya. Doon niya napatunayang mahirap pala talaga kapag naglilihi.
That was a fúcking nightmare!
Bumangon siya at inayos sa pagkakahiga ang kambal saka ginawaran ng masuyong halik ang mga noo niyon. “Daddy loves you so much, my angels.” Bulong nito sa mga anak saka lumabas na sa kwarto para hanapin ang asawa niya.
Agad siyang sumakay sa elevator pababa.
Wala ng hagdan ang bahay nila. Pinagiba niya, no, scratch that, giniba niya at pinalitan ng elevator.
Minsan kasing nadisgrasya si Jarine. Hindi nito napansing may isa pa palang step habang bumababa ito karga si Xanrine. Buti na lang at nakahawak agad ito sa railing kaya di ito tuluyang nahulog.
Kaya ayon, sa sobrang galit niya, giniba niya ang hagdan. Pinaayos lang nila para malagyan ng elevator sa tulong ni Jared, at si Jiro ang nag-sponsor ng elevator. Para daw naman kasi iyon sa mga inaanak nito.
Demeretso agad siya sa kusina at tama ngang naroon si Jarine. Kumakanta ito habang nagluluto ng agahan nila.
Her voice is really good.
At dahil nakatalikod ito sa kanya, hindi nito napansin ang presensiya niya.
Hinagod niya ng tingin ang asawa.
Maiksing cotton shorts, his t-shirt, at naka-messy bun ang buhok.
Damn!
They were married for 5 years now, pero ang epekto ng kanyang asawa sa sistema niya ay di pa rin nagbabago. Well, except from being horny, he still feel giddy.
Natuon naman sa mesa ang atensyon niya. Nakahain na doon ang paborito niyang omelets, pancakes for their twins, at patapos na ito sa pagluluto ng bacon na paborito naman nito.
BINABASA MO ANG
Branded Series Book 4: Jarine (COMPLETED)
RomansaSabi nila you can't control who you fall for. Pero pano kung na -fall ka sa taong feeling mo ay hindi karapat-dapat para sa'yo? Kasi alam mong may mali sa'yo. Hanggang kailan mo kayang pigilan ang iyong sarili kung nilalandi ka niya ng bongga? Susug...