CHAPTER 26

11K 328 36
                                    


CHAPTER 26
✈👶👶👶👶📚


NAGTATAGIS ANG bagang ni Xandro habang nasa meeting na naman.

Maganda ang simula ng araw niya dahil nakausap niya ang asawa niya pero heto, sira na naman.

Habang nasa meeting panay ang tunog ng cellphone niya pero halos hindi niya ito matingnan-tingnan sa sobrang abala niya. Kailangan niyang matapos 'to lahat para makauwi na siya.

Napansin niya na lang ang oras nang lapitan siya ng isang empleyado at inabutan ng pagkain. Lahat sila, late na talaga kumain.

It's 1:30 p.m. already!

Imbes na kumain, inilabas niya ang cellphone at chineck ang messages.

75 missed calls

50 messages

All the calls and some messages are from Reeno. Some messages are from his wife, updating him of what she's doing in the resort.

Binasa agad niya ang messages ni Reeno.

'We located the hide-out of Adrian's tech team. Raid done.'

'We're on the move now. Galing sa bahay ni Governor Fernandez si Adrian.'

'He's out of radar again. That fúcker. He's playing hide-and-seek with us.'

'Bud, he has two units in El Fili using different identities. 25th and 6th floor.'

Bigla siyang kinabahan. Bumalik siya sa conference room at mabilis na nagpaalam. Kaunti na lang din naman ang gagawin, he can talk them out on video conference calls.

Mabilis niyang tinawagan ang co-pilot niya na nasa sleeping quarters lang din ng airport. Wala na siyang sinayang na oras, madali silang lumipad pabalik ng Manila.

Habang nasa himpapawid, abot-abot na ang kaba niya. Hindi siya mapakali, pero pinipilit niyang kumalma at baka ma-disgrasya sila.

Tama naman nang makapasok sila sa teritoryo ng Pilipinas ay tumunog ang message alert tone niya. It's from Reeno.

'Found him. He's at El Fili. We're on our way there.'

Then another message came in. It's his Amore.

'Baby, daan muna ako sa unit ko ha? Saglit lang, linisin ko lang konti, mabo-bored lang din naman ako sa bahay. Uwi din ako agad. Ingat diyan. Uwi ka na din. I miss you 😘  I love you, baby ♡ '

He felt like his world stopped spinning. He kept on praying for his wife's safety. And his worry got doubled because she's pregnant!

A minute later, he felt his body turned cold and stiff.

Tumunog ang emergency alert ng cellphone niyang konektado sa asawa niya.

"Fúck! Fúck this! Why can't this thing go faster!" Pagalit na aniya nang makabawi sa kabang naramdaman niya.

He's panicking. He wanted to smash the controls in front of him.

"Captain! We're on maximum speed. Calm down. Baka po ma-disgrasya tayo." Pagpapakalma sa kanya ng co-pilot niya.

"Fúcking shit! Ang mag-ina ko!" Hindi na siya mapakali. Pakiramdam niya masisiraan siya ng bait.

"Malapit na po tayo, Captain. Try to calm down. Mas magiging malala po ang sitwasyon kapag na-disgrasya tayo at may mangyaring masama sa inyo. Pull your self together, Mr. Kim."

Bahagya siyang kumalma at natauhan sa sinabi ng co-pilot niya. He has a point.

Hinamig niya ang sarili at sinubukang mag-concentrate ulit.

Please, sana walang nangyaring masama sa mag-ina ko.

Sa helipad ng El Fili niya inilapag ang chopper at tumakbo agad siya pababa ng rooftop at mabilis na sumakay ng elevator pababa sa 14th floor at dumeretso sa unit ng asawa niya.

Pagpasok niya sa unit, may mga police na doon, at naroon ang mga kaibigan niyang sina Reeno, Jiro, at Thunder.

Agad na bumaling ang paningin niya sa lalaking nakaupo at naka-posas.
May dugo sa bibig nito at may tama ng bala sa binti. At alam niya kung sino 'yon.

Walang sabi-sabing sinugod niya ito at biglang sinuntok ng pagkalakas-lakas kaya tumilapon ito sa sahig. Sa sobrang bilis niya, hindi siya napigilan ng mga pulis na naroon.

"Sei un pezzo di merda!! You mother fúcker!!" Sigaw niya kay Adrian at hindi na tinigilan ang pagsuntok sa mukha nito. "Pareho kayong kriminal ng tito mo!! Die, fúcker! Die!" Tumayo siya at pinagsisipa ito, wala siyang pakialam kung saan tumatama ang paa niya.

Galit na galit siya. Pakiramdam niya, pinaglaruan siya ng gagong 'to sa pagtatago nito sa kanila. Hinayaan na muna siya ng mga kaibigan niya na mailabas lahat ng galit niya dito.
"Vaffanculo!! Gago! Mamatay ka na! " Sigaw niya habang patuloy sa pagsuntok at pagsipa. "Morire, cazzo!! Morire!"

Pinigilan lang siya ng mga kaibigan nang makita nilang parang mamamatay na si Adrian sa sobrang bugbog niya.

"Enough, bud." Hinawakan ni Reeno ang braso niya pero tinabig niya ito at pinagsusuntok pa rin sa mukha si Adrian.

"Kim, don't put his life on your hands. We gave you enough time already." Pinigilan na din siya ni Jiro.

Branded Series Book 4: Jarine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon