CHAPTER 6

12.2K 352 13
                                    


CHAPTER 6
✈️❤📚


MASAMA ANG pakiramdam ni Jarine pagkagising niya. Hindi niya alam kung bakit pero parang wala siyang lakas. At may maliliit siyang pasa sa mga binti at hita niya na hindi niya alam kung pano siya nagkapasa doon.

Tumawag na lang siya sa Head Librarian niya at nagpaalam na aabsent muna siya. 

Ano bang nangyayari sa'kin?Sa sobrang sama ng pakiramdam niya, nakatulog ulit siya. Nagising na lang siya dahil sa walang humpay na pagtunog ng cellphone niya.

Nanghihinang sinagot niya ang tawag. 

"H-hello?" Her voice was hoarse and weak. 

"Honeybabe? Oh my god! Nasaan ka? Okay ka lang ba? Nandito ako sa library. Absent ka daw." Anang boses ni Jared sa kabilang linya. 

Tumikhim muna siya bago nagsalita ulit. "Y-yeah. I don't feel well. Nandito ako sa condo." 

"Okay. Pupuntahan kita diyan. Kumain ka na ba?" Puno ng pag-aalala ang boses nito. 

"Hindi pa, Red." Tumingin siya sa bintana. 

Tanghali na. 

Jared tsked. "Goodness! Tanghali na. Sige na, I'll be there in no time. Uminom ka ng tubig, please. Namamaos ka." 

"Thank you, Red." Sagot niya sa mahinang boses at ibinaba na ang tawag. 

Sinubukan niyang bumangon para abutin ang tubig na nasa bed side table niya at ininom iyon. Medyo gumaan ang pakiramdam niya kahit papano. Nahiga ulit siya dahil nanghihina pa rin ang katawan niya. 

Minsan, nakakaramdam siya ng ganito kapag red tide niya. Pero kakatapos lang naman n'on. Para siyang dini- dysmenorrhea na hindi niya maintindihan. 

Tiningnan ulit niya ang cellphone niya. Andami ng missed calls and text galing kay Hottie Pilot. Mukhang nag- aalala din ito. 

Napangiti siya ng maalala ang ka- abnormalang ginawa niya kagabi sa binata. 

She felt like kissing him, so she did. Na- miss yata niya ang malambot na labi ng binata. Ang landi din niya talaga. Pero kay Xandro lang siya ganito. Napanatag na kasi ang loob niya na kahit papano ay nai- share niya ang part ng madilim niyang nakaraan sa binata. 

Napaigtad siya nang mag- ring ang cellphone niya.

Hottie Pilot calling... 

Mabilis niyang sinagot iyon. "Hello?" Namamaos pa din siya dahil wala pa din siyang lakas. 

"Dimples? Okay ka lang ba? I'm so worried. Hindi mo sinasagot ang tawag ko kanina." 

Tumikhim muna siya. "I think I'm fine." 

"You think? What happen? At nasaan ka?" Nag-aalalang tanong nito. 

"Ahm, dito sa condo. Hindi ako pumasok." 

"Masama ba ang pakiramdam mo? Damn it! I'll be there, Dimples." 

Branded Series Book 4: Jarine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon