CHAPTER 17

11.9K 334 36
                                    

SPG WARNING: LANGUAGE
hindi po censored ang ibang mga salita na ginamit sa chapter na ito..baka may ma-offend or makaramdam ng discomfort while reading..i'm using those words without censorship to depict the character's personality, wla akong ibang intention dito..
and this story is purely fictional..
(wow, ang serious ko masyado 😂)

CHAPTER 17
✈️💔📚


"PUNTAHAN NA lang kita diyan sa salon.” Nangingiting tugon ni Jarine sa kausap niya sa phone.

“Sige, ate Ja. See you.” Sagot ni Rodessa.

Sa lahat ng tinawagan niya, ito lang ang hindi busy. Magpapasama lang naman siya sa mall. Bored kasi siya sa mansyon dahil mag- isa siya d’on.

Kahit weekend, pumasok sa opisina ang asawa niya dahil may emergency.

Nag- taxi siya patungong El Fili para kunin ang kotse niyang matagal na niyang hindi nagamit dahil hindi pa talaga siya nakakabalik sa unit niya sa sobrang busy niya sa trabaho, at siyempre, sa pag gawa ng anak.
 
Mabilis siyang bumaba sa taxi at dumeretso sa parking ng El Fili at excited na sumakay sa kotse niya. She miss driving her car. Palagi kasi siyang hatid- sundo ng asawa mula nung ikasal sila mahigit isang buwan na ang nakaraan.

Masaya siyang nagmaneho patungo sa salon ni Rodessa.

“Ate Ja!!!” Sigaw nito habang sinasalubong siya.

Nagyakapan sila dahil matagal na rin na hindi sila nagkita.

“Miss ko na kayo. Kamusta naman kayo d’on?” Tanong niya sa kaibigan.

“Ayon, okay naman. Na- miss ka rin namin.”

“Tara na.” Aya niya dito at iginiya niya ito pasakay sa kotse niya.

Pagdating sa mall, nag-ikot- ikot sila hanggang sa makakita siya ng shop na nagko- customized ng mga gamit.

Pumasok sila doon at naghanap ng pwedeng ibigay sa asawa niya. Birthday na kasi nito bukas.

May nakita siyang silver na dog tag at ‘yon ang binili niya. Pumili siya ng magandang wing design na babagay sa asawa niya at ipina- engrave iyon.

Sa likod naman n’on, pina- engrave niya ang Dimples’ Captain.

Natatawa siya sa sarili niya dahil para siyang high school na first time ma- in love.

“Iba din talaga ang nagagawa ng love nuh, teh?” Panunudyo ni Rodessa.

“Oo nga eh. Ewan ko ba.” Nangingiting sagot niya.

Bigla namang nagsalita ang nagi- engrave sa dog tag. “Ang swerte naman po ng boyfriend niyo ma’am.

Ngumisi siya. “That’s for my husband. And believe me, mas ma- swerte ako d’on.”

Napatango- tango naman ito at ibinigay sa kanya ang naka- box na na dog tag.

Pagkatapos nila doon sa shop, nag- desisyon silang dalawa na kumain.

Agad naman silang pumasok sa isang fast food chain at pumila agad si Rodessa.

“Upo ka na d’on, teh. Ako na ang o-order.” Mahaba- haba ang pila kaya agad siyang naghanap ng bakanteng mesa at naupo doon.

Nag-text muna siya sa asawa para i-remind ito na mananghalian saka naglaro ng Gran Turismo sa phone niyang bigay din ng asawa niya para pareho daw sila ng cellphone. Pati kulay, pareho.

Branded Series Book 4: Jarine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon