CHAPTER 5

13.6K 383 11
                                    


✈️CHAPTER 5📚

NAKAUGALIAN NA ni Jarine na mag- check ng social media account niya pagka- gising. Naka- log in iyon habang nagluluto siya ng agahan niya. Isang araw din siyang hindi naka-open n'on dahil tinatamad siya.

Nagsalubong ang kilay niya nang walang humpay na tumutunog ang notification sound. Gan'on kadami, not the usual na konti lang, minsan nga wala talaga.

Napaawang ang labi niya nang makita ang mga 'yon. "The hell?"

Isa- isa niyang tiningnan iyon. Napangiti siya nang makitang naka- tag ulit siya sa post ng binata.

Natatawa siya sa ibang comments, kahit sa comment ng mga kaibigan at ng papa niya. Isang comment lang d'on ang nagpakaba sa kanya.

Comment ng kambal ng binata.

"May kambal pala 'yon?" Pagkausap niya sa sarili. "Luh. Isusumbong sa mommy nila. Patay ako nito."

Hindi na siya nag- comment d'on. Naglog- out na lang muna siya at nag-agahan. Lunes ngayon kaya nakakahiya kapag na- late sa trabaho.

Paglabas niya ng unit niya, may dark red na sobre na naman. Araw- araw talaga siyang nakakatanggap nito. Hindi na muna niya binasa ang card, dumeretso na muna siya sa parking area para makaalis na siya papunta sa trabaho.

Habang nagmamaneho, tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya iyon at ini-loudspeaker.

"Good morning, Dimples." Anang binata sa kabilang linya.

"Good morning, Captain. Ang aga mo yatang tumawag? Anmeron?" Nangingiting sagot niya.

"Ahm,..nothing. I just want to hear your voice, I guess."

Mahina siyang natawa. "Salamat nga pala sa pag- tag ng pics at pinag- piyestahan na naman ng mga kaibigan mo. At mukhang lagot ako sa mommy mo nito, isusumbong ka daw ng kambal mo eh."

"Hindi ka lagot sa mommy ko. Believe me, matutuwa pa 'yon. Ako yata ang lagot sa papa at mga kapatid mo." Natatawang sagot din nito.

"Joke lang nila 'yon." Nawala na naman ang mga ngiti niya. Naaalala na naman niya na hindi siya dapat makipag- harutan sa binata. "Ah- Xandro, babush na muna ha? Nagmamaneho ako eh. Sorry."

"Sure. Thanks sa pagsagot...ng tawag. And ingat sa pagmamaneho, Baby." Natatawang sagot nito.

"Heh! Malandi. I'm hangin' up."  Naiiling na sagot niya.

Kung ganito ito kalandi, baka hindi na niya kayanin ang hindi mahulog. Mabilis pa naman siyang mahulog.

Pagdating sa school, ipinabuhat na niya ang mga pinamiling libro papunta sa library. Agad namang tumunog ang cellphone niya pag pasok na pag pasok niya sa opisina.

"Hi, Pa! Good morning." Masiglang bati niya sa papa niya.

Tumikhim ito. "Walang good sa morning. Ano mo ba ang lalaking 'yon sa picture ha?" Agad na tanong nito na ikinangiti niya.

"Pa, friend ko po 'yon. Chill, okay?"

"Paano ako magch- chill na bata ka eh masyado yata kayong close? May pa 'feeling happy' pa ang ungas na 'yon. Mas close pa yata kayo n'on kesa sa inyo ni Jared eh."

Branded Series Book 4: Jarine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon