CHAPTER 23
✈️❤📚
“BUMANGON KA na, Amore.” Anang malambing na boses ni Xandro na naririnig ni Jarine. Hinihila siya nito para bumangon.“Mamaya na kasi. Inaantok pa ako.” Naiinis na sagot niya at inagaw ang kamay niya sa asawa.
Ginigising na siya nito para maghanda dahil uuwi sila ng Iloilo kasama ang pamilya nito. Pero ayaw talagang makisama ng katawan niya. Tinatamad siya nitong mga nakaraang araw. Ang asawa na nga niya ang kumuha ng mga gamit niya sa condo dahil tulog lang siya ng tulog. Kahit sa trabaho, inaantok siya. Buti na lang at bakasyon na kaya wala na siya gaanong trabaho.
Asawa na rin niya ang nagligpit ng dadalhin nila ngayon pauwi dahil nakatulog na siya kagabi. Alagang- alaga din siya nito mula n’ong sinabi niyang buntis siya.
“Naghahanda na sila mommy, bumangon ka na.” Pamimilit nito.
“5 minutes na lang. Please? Inaantok pa ko.” Kinuha niya ang isang unan at niyakap ito.
Bigla nitong hinila ang unan na yakap niya. “Bakit ito pa ang niyayakap mo?” Nakangusong anito at tumabi ulit sa kanya at iniyakap ang mga braso niya sa baywang nito. “There. Ako ang yakapin mo.”
Batang- isip din talaga minsan itong asawa niya.
Hindi na siya umimik dahil gusto pa talaga niyang matulog. Isiniksik niya ang mukha sa leeg nito kaya nanuot sa ilong niya ang amoy ng asawa.
Imbes na matulog, inamoy niya ang asawa. “Bakit ba ang bango mo ngayon?”
Mahina itong natawa. “Ngayong lang? Lagi naman akong mabango.”
Inamoy niya na lang ito ng inamoy. Nawala na ang antok niya.
Kinubabawan niya ito habang panay pa rin ang amoy niya sa leeg nito.
“Stop that, Amore. You know I’m always horny when it comes to you.” Babala nito sa kanya.
Ramdam din naman niya ang pagkalalaki nitong naninigas na dahil nakabuka ang mga hita niya dito.
Nag- angat siya ng tingin. “But you can always control yourself, right?” Hinalikan niya ito sa mga labi at pinakatitigan. “Ang gwapo mo din yata ngayon?”
Natawa ito at niyakap siya ng mahigpit. “Pinaglilihian mo ba ako? ‘Cause you’re so damn cute!” Pinanggigilan nito ang pisngi niya. “Let’s take a bath together.” Anito at niyakap siya sabay bangon.
Nakaupo na ito ngayon at nakabuka ang hita niya paharap sa asawa. Inihilig lang niya ang ulo sa balikat nito at ipinikit ulit ang mga mata. Tinatamad talaga siya.
Mahina itong natawa at binuhat siya patungo sa banyo na gan’on ang posisyon nila. Pilit niyang iminulat ang mga mata nang maramdamang pinaupo siya nito sa marmol na lalabo ng banyo.
Hinubad nito ang saplot niya, para siyang bata. Sunod nitong hinubad ang boxer na suot, boxer lang naman lagi ang suot nito sa kwarto nila.
“Ang laki naman ng baby kong ‘to.” Natatawang turan ng asawa niya.
Natawa na lang din siya at nagkusa ng bumaba ng lababo.
Kahit tinatamad, naligo siya. Paminsan- minsan niyang inihihilig ang katawan sa asawa niya sa sobrang katamaran.
Pagkatapos nilang maligo ay sabay na din silang pumasok sa walk-in closet at nagbihis. Agad silang lumabas ng kwarto at bumaba sa kusina.
Naging abala naman siya sa paghahanda ng agahan.
![](https://img.wattpad.com/cover/181982817-288-k51724.jpg)
BINABASA MO ANG
Branded Series Book 4: Jarine (COMPLETED)
RomansaSabi nila you can't control who you fall for. Pero pano kung na -fall ka sa taong feeling mo ay hindi karapat-dapat para sa'yo? Kasi alam mong may mali sa'yo. Hanggang kailan mo kayang pigilan ang iyong sarili kung nilalandi ka niya ng bongga? Susug...