CHAPTER 22

13.2K 343 38
                                    


CHAPTER 22
✈️🍼📚


"XANDRO!! MY SON!” Anang mommy ni Xandro at niyakap siya ng mahigpit. “I miss you.”

Mommy niya ang unang sumalubong sa kanila dahil ito lang ang nasa sala.

“I miss you, too, mom.” Kumawala siya sa yakap nila at pinihit palapit ang asawa niya.

Bumaling ang tingin ng mommy niya dito. “What’s the name of my beautiful daughter-in-law?” Magiliw na tanong nito.

“Mom, this is my wife, Jarine.” Pagpapakilala niya.

Namilog ang mga mata nito nang banggitin niya ang pangalan ng asawa.

“Oh my god! Totoo ka??” Hindi makapaniwalang lumapit ito sa asawa niya at hinawakan ito sa magkabilang braso. “Totoo ka nga!”

Napangiti siya nang makita ang mukha ng asawa niyang mukhang nagtataka sa pinagsasabi ng mommy niya. Niyakap nito ang asawa niya.

“Ahm- hello po. Nice meeting you po, tita. And opo, totoo po….ako?” Awkward na anito habang niyayakap ito ng mommy niya.

Nagsalubong ang kilay ng mommy niya at tinitigan ang asawa niya. “Ano’ng tita? Call me mommy.” Pagtatama nito. “Or you can call me mama. My name’s Claudette, by the way.” Hinaplos nito ang pisngi ng asawa niya. Halata pa rin na tuwang- tuwa ito.

Tinitigan siya ng asawa at tumitig ulit sa mommy niya. “Ahm- mama Claudette?” Nakangiwing anito na ikinatawa niya. His wife is really cute.

“Oh my god! That’s  so cute!! From now on, mama Claudette na ang itawag mo sa’kin. God! Akala ko talaga kathang- isip ka lang nitong si Xandro. Hindi naman kasi niya pinapakita ang picture mo eh.” Hinahagod nito ang buhok ng asawa niya na mukhang nao-awkward pa din.

“Twinny!!!” Sabay silang napabaling ng asawa niya sa second floor kung nasaan ang kambal niya.

Excited itong bumaba sa hagdan at akmang yayakapin niya ito nang dumeretso ito sa asawa niya at ‘yon ang niyakap.

“Wow. Ako ang tinawag pero asawa ko ang niyakap mo.” Sarkastikong aniya.

“Nice meeting you, finally.” Hindi siya nito pinansin. “I’m Xandra, Xandro’s twin. O, di ba, hindi obvious sa name? Pinag-isipan talaga ni mommy.” Ngumisi ito at bigla itong hinampas ng mommy nila sa braso. “Aray! Mom! Masakit ‘yon ah.” Napangiwi ito at sapo ang braso.

Natawa lang ang asawa niya. “Nice meeting you, Xandra. I’m Jarine.”

Siya naman ang sunod na niyakap ng kambal niya. “Tumataba ka yata? Hiyang sa buhay may asawa?” Panunudyo nito sa kanya kaya ginulo niya ang buhok nito.

“Masarap magluto ang asawa ko eh. Bakit ba?” Natatawang sagot niya. “Saan si daddy?”

Umirap ang mommy niya. “Nasa DK Main pa siyempre. Doon siya dumeretso.”

Masyadong workaholic ang daddy niya. At laging DK ang inuuna nito.

Nothing new.

“Nag- order na kami ng pagkain.” Ani Xandra. “Pero bukas, dapat matikman namin ang luto mo.” Anito sa asawa niya. “Masarap ka daw magluto eh.”

“Sure.” Malapad ang ngiting sagot ng asawa niya.

“Magpapaturo ako sa’yo kung paano magluto. Mas sanay kasi sa operating room ang mga kamay ko kesa sa kusina.” Dagdag ng kambal niya.

Nakangiting tumango ang asawa niya. Kitang-kita na naman ang dimples nito.

Masaya siyang nakikita ang tatlong babae sa buhay niya na magkakasama at puro nakangiti.

Branded Series Book 4: Jarine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon