CHAPTER 12

13K 323 40
                                    

CHAPTER 12
✈️❤📚

“AHM..HI. PWEDENG MAG- TANONG?” Nahihiyang tanong ng 12 years old na si Jarine sa lalaki na na sa tabi ng guard house matapos niyang i- check ang homeroom niya. Alam niyang second year iyon dahil sa yellow na ID holder nito. Mukhang mabait iyon at mukhang iniiwasan ng tulad niyang mga first year.

Nilapitan siya ng mga kasama nito. “Saan ang room mo, Ganda? Tuturo namin sa’yo.” One of them confidently said.

Nagsalubong ang kilay niya. Masyadong swapang. “I’m not asking you, I’m asking him.” Mataray na sagot niya sa swapang na lalaki at itinuro ang kasama nitong medyo mataba.

Nilapitan niya ito at huminto sa harapan nito. Mukhang nagulat ito na dito siya lumapit. “Saan po ‘yong BL-7?” Tanong agad niya.

Napakurap- kurap naman ito. “Ah..Doon. Ahm.. Samahan na kita.” Anito at tipid na ngumiti.

Nginitian niya ito at sabay silang naglakad.

Pareho silang tahimik at nagtatakip ng panyo sa mga bibig.

“Jarine pala ang name ko.” Pagbasag niya sa katahimikan.

“Kim.” Tipid na sagot nito.

Nahiya na rin siyang magsalita, mukhang ayaw din magsalita ni Kim.

“Ito na ‘yong BL- 7.” Anito nang makarating sila sa harap ng isang classroom. Marami na ang mga classmate niya na naroon.

She sweetly smiled at him. “Thank you, Kim.”

Nawala ang ngiti sa mga labi niya nang marinig ang sinabi ng lalaki niyang ka- klase na lumabas sa classroom. “Baboy!” Anito na nakatingin kay Kim. Lagi talagang may mga ganito sa classroom. Nakakabwisit.

Nakita niyang nagbaba ng tingin si Kim.

She glared at her classmate. “Gwapo ka? Tingnan mo nga ang mukha mo. Mukhang hindi uso bigas sa inyo.” Inirapan niya ito. Ayaw niya sa mga bully.

“At least hindi ako baboy.” Sagot nito.

“Pag itong tinatawag mong baboy eh pumayat, ewan ko lang kung hindi ka magmukhang dugyot pag itinabi ka sa kanya. Mukha ngang hindi ka napurga.”

Tinitigan siya nito ng masama kaya tinaasan niya ito ng kilay. Hindi na ito nagsalita ulit at bumalik na sa loob ng classroom.

Binalingan niya si Kim. Wala na ito sa harap niya. Nakita na lang niya ang bulto nito na naglalakad palayo.

Naawa tuloy siya. Mukha namang mabait si Kim.


MAGAAN ANG PAKIRAMDAM ni Jarine pagkagising kinaumagahan. She didn’t have a nightmare, but a throwback dream. Napanaginipan niya ang araw na iyon, ang unang beses na nagkausap sila ni Xandro. At tanggap nito ang nakaraan niya. Kahit para sa iba hindi iyon katanggap- tanggap, tanggap iyon ng binata. Ang lahat ng pag- aalala niya noon na wala ng tatanggap sa kanya, nawala.

Naputol ang pag- iisip niya nang tumunog ang cellphone niya.

Hottie Pilot calling…

Branded Series Book 4: Jarine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon