CHAPTER 13
✈️🤵👰📚MASAYA SI Xandro na babalik sa Manila kasama si Dimples niya. Excited na siyang umuwi para makapag- pakasal na sila. He can't wait to start his own family. At kapag nabuntis na si Dimples, baka mawala na ang tampuhan nila ng daddy niya.
Habang nasa eroplano pabalik ng Manila, nagri- replay sa isip niya ang ilang araw na pamamalagi niya sa Iloilo kasama ang pamilya ng dalaga. And he can't stop smiling while remembering the day he talked to tito Jeric about marrying Jarine."I want to marry her po, tito."
Tumaas ang isang kilay nito. "Sigurado ka ba? Ayokong masaktan ulit ang anak ko."
"Opo. Kahit pa po ang nakaraan niya, tanggap ko po 'yon. Basta ayaw ko pong mawala siya sa'kin. Gagawin ko din po lahat para protektahan siya." Magalang na sagot niya at nag- umpisang ikwento kung kailan nag- umpisa ang pagka- gusto niya sa dalaga.
Pati ang naging tampuhan nila ng daddy niya, ikinuwento niya. Dimples has been a part of it, anyway. Kaya nagulat si tito Jeric na malaman iyon. And maybe, that was enough reason para pumayag ito sa kasal.
"Eh bakit nagmamadali ka? Hindi ba pwedeng sa mga susunod na buwan na lang?" Nagtatakang tanong nito ng sabihin niya ang plano niyang civil wedding muna ang magaganap pag dating nila sa Manila.
Tumikhim siya at nag- iwas ng tingin. "Ahm- Well, man to man conversation po, I'll be very honest with you, nahihirapan na akong magtimpi. At ayokong gawin po 'yon sa kanya na hindi pa kami kasal. Masyado pong maganda ang anak niyo, tito. And her beauty isn't just her face, but her personality as well. Kaya mas nahihirapan po ako." Nahihiyang sagot niya.
Natawa lang ito at iniwan siya sa sala. Hindi maliwanag sa kanya kung payag na ba ito o hindi, hanggang sa i- announce na lang nito bago sila naghapunan.
Agad din niyang naalala ang usapan nila kagabi habang nag- iinuman.
Nang natulog na ang mga kapatid ng dalaga sa mga sarili nitong kwarto sa bahay, naiwan silang dalawa ni tito Jeric. And for the first time, he saw him crying. Napag- usapan nila ang mga nangyari kay Dimples niya. It's rare to see how vulnerable a father can be. Lalo na't mukhang matapang at matibay na haligi ng tahanan nila si tito Jeric. Lagi pang namimilosopo.
"Bilang ama, masakit na nakikita mong nasasaktan ang anak mo. Nung nakita ko siyang duguan at may hiwa na ang pulsuhan niya, akala ko mawawala na din siya sa amin. Mas masakit sa'kin kasi siya na lang ang babae kong anak, at hiningi ko talaga siya noon na ibigay sa amin, tapos nangyari pa 'yon lahat sa kanya. Hindi niya deserve ang gan'on. Nagmahal lang naman siya ng sobra. Parang pinagpipiraso noon ang puso ko. Ang sakit- sakit." Pinahid nito ang mga luha bago nagsalita ulit. "Kaya please lang, mahalin mo ng tapat at totoo ang anak ko. May tiwala ako sa'yo Xandro. Pakiusap, huwag mong sisirain 'yon." Pakiusap nito sa kanya.
"Opo. Makakaasa po kayo." Naluluhang sagot niya. Nararamdaman niya ang sakit sa bawat salitang sinasabi nito.
Hinawakan nito ang mga kamay niya. "Salamat. Salamat sa sobrang pagmamahal mo sa anak ko. She deserved that kind of love. Kasi grabe ding magmahal 'yon. At salamat, dahil sa'yo, nakauwi din siya dito sa wakas."
"Salamat din po sa pagtanggap at tiwala niyo sa'kin, tito."
Tinapik nito ang balikat niya at tumayo na. "Magpahinga ka na. Bibiyahe pa kayo bukas."
Naalala niya ang dapat niyang gawin pagkabalik niya ng Manila. He will hunt those bastards and make them pay for hurting his Amore and her family.
"Nasa ibang planeta ka na yata?" Nabalik ang diwa niya ng marinig ang boses ng dalaga na nasa tabi niya. "Okay ka lang?"
BINABASA MO ANG
Branded Series Book 4: Jarine (COMPLETED)
RomansaSabi nila you can't control who you fall for. Pero pano kung na -fall ka sa taong feeling mo ay hindi karapat-dapat para sa'yo? Kasi alam mong may mali sa'yo. Hanggang kailan mo kayang pigilan ang iyong sarili kung nilalandi ka niya ng bongga? Susug...