✈️CHAPTER 4📚
NAGING ABALA si Xandro pagkabalik niya ng Manila. Troubleshoot here and there, meeting here and there, pressure here and there, and that sucks. Nakaka- stress. Kaya ng ayain siya ng mga kaibigan na mag-inuman, hindi na siya nagdalawang isip.
Sumama na siya sa HD Bar at nasa VVIP Room sila. Kasama niya sina Keifer, Paul, August, Storm, Amir, at ang may-ari na si Heineken.
"Best friend, parang pasan mo na naman ang universe." Ani Keifer.
"Nakaka- stress lang ang board. Ako ba naman ang sinisisi sa tuwing may problema. Pasagasaan ko sila sa mga eroplano ko eh." Sagot niya habang umiinom ng scotch.
"Kamusta pala ang homecoming?" Nakangising tanong ng malantod na si Paul.
"Malantod. Okay naman. Masaya." Aniya.
"Narinig ko kay Jared na inagaw mo 'yong date dapat niya. Ano'ng ganap, Oppa?" Tanong naman ni Storm.
"Hindi ko inagaw ang date niya. Hindi naman niya 'yon pag- aari eh. Saka kilala ko naman 'yon. Kaya kami na lang ang date, school mate naman kami eh. Eh outsider 'yong si Egorov." Pag- depensa niya.
"Ang haba ng explanation. May something talaga 'to." Sagot naman ni Heineken habang umiinom ng Heineken.
Tumikhim siya. "Nga pala, Ibarra," Tawag niya sa atensyon ni Paul. "May nakabili na ba ng unit 148 sa El Fili mo?"
"Oo, ayan o, si Agusto." Sagot nito na nakanguso kay August. "Pero ewan ko sa abnoy na yan kung bakit hindi pa niya nilipatan. Bakit?"
"Bibilhin ko sana. Dodoblehin ko ang presyo."
Napatitig na lang sa kanya ang mga kaibigan.
"Alien ka ba? Ilabas mo si Xandro!" Sagot ni Keifer.
"May bahay ka sa Noli Subdivision ko, Oppa. 'Wag kami. Babae 'yan nuh?" Tanong nulit ni Paul.
"Feeling ko 'yong sa 147 ang target nitong si Oppa." Nakangising sagot ni August. "Maganda 'yon eh. Nakita ko na 'yon nung nagpa- deliver ako ng mga gamit." Ani August na may nanunudyong ngiti habang umiinom ng rum.
"Tinamaan na siya lagot na. Ano na, Oppa? Totoo ba ang sinasabi nila? Hindi ikaw ang tipo na naghahabol kasi ikaw ang hinahabol ng mga babes." Panunudyo naman ni Amir.
Ayaw na ayaw niya na magkwento tungkol sa babae. At hindi man niya aminin, totoo naman ang sinasabi ng mga weird na 'to.
Si Keifer ang unang sumagot. "Ayaw ni Oppa na hinahabol siya ng babes nuh. Gusto niya siya ang naghahabol." Binalingan siya nito at inakbayan. "Ito na ba 'yon best friend?"
Napabuntong- hininga siya. Hindi rin naman siya titigilan ng mga ito. At kailangan niyang mabili ang unit na 'yon.
"What ever, weirdos." Binalingan niya si August. "So ano? Ibibenta mo ba sa'kin?"
Sumandal naman ito at ngumiti. "Ayoko. Sabihin mo muna kung bakit." Hindi siya sumagot kaya nagsalita ito ulit. "Alam niyo ba, type ko 'yong babae d'on sa 147. Ang ganda n'on mga bud." Anito sa mga kaibigan nila na kinainis niya.
"Fùck it! Oo na! Dahil sa babae d'on sa 147. And she's mine, hindi mo siya pwedeng magustuhan. Okay na? Happy? Can I buy it now?" Supladong sagot niya na ikinatawa lang ni August.
"Hay naku, Kim. Oo na. Ibibenta ko na sa'yo. Huwag mo ng doblehin ang presyo. Bayaran mo na lang ang mga gamit. Fully furnished na 'yon eh." Sagot ni August na tuwang- tuwa dahil napaamin siya.
BINABASA MO ANG
Branded Series Book 4: Jarine (COMPLETED)
RomanceSabi nila you can't control who you fall for. Pero pano kung na -fall ka sa taong feeling mo ay hindi karapat-dapat para sa'yo? Kasi alam mong may mali sa'yo. Hanggang kailan mo kayang pigilan ang iyong sarili kung nilalandi ka niya ng bongga? Susug...