CHAPTER 1

21.4K 466 33
                                    

A/N: Halos kasabay lang po ng timeline nito ang  timeline ng Book 1 to Book 3.

📚 CHAPTER 1 ✈️

"GOOD Morning, ma'am." Masayang bati ng security guard kay Jarine pagpasok niya sa library.

"Good morning din po." Nginitian niya ito at dumeretso na sa second floor kung nasaan ang office niya.

Habang paakyat ng hagdan, tumunog ang cellphone niya. Agad niyang tiningnan ang cellphone at ngumiti ng makita ang caller I.D.

"Hey, sweet pea! Ano'ng chismis? Ba't ang aga mong tumawag?" Natawa ang nasa kabilang linya sa bungad niya at agad na sumagot.

"Well, Miss Librarian, naka-conference call tayo. Naka-loud speaker ka dito sakin. Kasama ko ngayon si Analyn." Sagot sa kanya ni Mary Grace at narinig niya ang boses ni Analyn.

"Oh, kompleto ba tayo?" Natatawa niyang sagot sa kaibigan.

"Of course!" Sabay-sabay na sagot nina Ellery, at Charlyn sa kabilang linya.

"Gosh! I miss you guys already." Agad siyang umupo sa swivel chair niya at inayos buhok niya ng mapatingin siya sa maliit na salamin sa mesa niya.

"Uwi ka na kasi Miss Librarian, di na kami galit." Sagot ni Analyn.
Nasa Manila kasi siya, habang ang mga ito eh nasa probinsya nila, sa Iloilo.

"Oo nga. Sa seminars na lang tayo nagkikita-kita. And it's been 5 months mula nung last na seminar na nagkita tayo. Miss ko na kayo." Sagot naman ni Charlyn.

Sa kanilang lima na puro licensed librarian, siya lang talaga ngayon ang librarian. Uma-attend lang ang mga ito sa seminars dahil kailangan 'yon sa renewal ng mga lisensya nila.

Si Mary Grace ay naging abala sa Printing Press nito, si Analyn ay nagta-trabaho sa Printing Press ni Mary Grace, si Charlyn ay naging Editor ng isang publishing house, at si Ellery ay naging taga-pamahala ng family business nila na Raz Book Store.

"Busy ka rin kaya Miss Editor." Sagot niya kay Charlyn.

"At lalo namang mas busy 'tong si Ellery, may bagong branch daw ang book store nila eh." Pag-imporma sa kanya ni Mary Grace.

"Well, yeah. Nasi-stress na nga ako eh. 'Di pa naman tapos yung  construction ng bagong book store." Ani Ellery.

"Nga pala, Miss Librarian? Napadaan ako sa high school alma mater mo kanina." Si Mary Grace iyon.

"And?" Sagot niya habang nakasandal sa swivel chair niya.

"May grand alumni homecoming daw kayo next week. Anlaki ng tarp d'on sa harap ng school niyo."

"Oh. Check ko later ang page nila. Thanks for the info, sweet pea."

"Great! Eh di magkita-kita tayo dito." Boses iyon ni Analyn.

"Oo nga! Dali na sweet pea umuwi ka na!" Pasigaw na sagot ni Ellery. Halatang excited ito.

"Speaking of alma mater, 'di ba school mate mo 'yong isa sa mga sikat na bachelors ngayon?" Sansala ni Charlyn.

"Who?" Pagmamaang-maangan niya.

"Hay naku, eh di si Xandro Delucci Kim." Agad na sagot na Charlyn.

"Oh my god! That hot pilot Kim??" Ani Ellery.

"Yes, that freakin' hot Pilot slash CEO of DelKim Airlines and Airports." Maarteng sagot ni Charlyn.

"Saan mo ba nakuha ang mga impormasyong 'yan? Stalker ka ba?" Pagbibiro ni Analyn kay Charlyn.

"Duh! I'm the f*cking editor of Olympus Publishing. At isa si Mr.Kim sa mga bachelors na na-feature sa Zeus Magazine namin. You know, that Men's magazine. Natural malalaman ko ang basic info tungkol sa kanya." Iritadong sagot ni Charlyn.

Branded Series Book 4: Jarine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon