CHAPTER 29

14K 346 60
                                    

A/N: Kanina pa dapat to eh..kaso pashneya yung data ko 😂
enjoy reading 🤗

CHAPTER 29
✈️🤵👰📚

"YOU LOOK stunning!" Ani mama Claudette kay Xandro nang pumasok ito sa kwarto niya.

Today is their wedding day! Finally!

"Mom, I was born stunning." Mahanging sagot niya.

"Of course! I'm your dad after all." Sagot naman ng daddy niya at nailing ang mommy niya.

"Twinny, pano kung hindi sumipot si Jarine?" Pang-iinis ng kakambal niya.

"Not funny, gemella." Inayos niya ang buhok niya. "Sisiputin ako n'on."

Nasa isang kwarto sila ngayon sa resort ni Keifer kung saan idadaos ang outdoor wedding na plano nila noon.

"Let's go, Team Kim!" Excited na aya sa kanila ng daddy niya. "Let's go and meet Team Barrera." Nahawa na yata ito sa energy ni papa Jeric.

Halos isang buwan na ding naglagi ang mga ito sa Iloilo dahil nga sa gusto ng mommy niyang magpatayo ng rest house. At si mama Edith at papa Jeric ang laging kasama ng mga ito doon.

"Best friend!!!" Sigaw ni Keifer na best man niya nang makita silang lumabas ng hotel.

Ayaw sana niya itong maging best man pero pinilit siya. Tsk.

Kasama nito ang mga kaibigan nilang mga single pa, mukhang naghihintay ang mga ito ng golf cart.

Nag-fist bump siya sa mga ito at yumakap ang mga ito sa mommy niya dahil parang anak na din ang turing nito sa kanila. At ngayon, close na din ang mga ito sa daddy niya.

"Hi Xandra." Agad na bati ni Keifer sa kambal niya.

"Fúck off, Bernardo." Saway niya.

Ayaw niyang malapit ang malanding 'to sa kakambal niya.

"Hey, Keifer. You look handsome." Magiliw na sagot ng kambal niya kaya nilingon niya ito at tinapunan ng matalim na tingin. "What?" Nagtatakang tanong nito at inirapan siya.

"Don't get near this weirdo. May nakakahawang skin disease 'yan." Aniya.

"Really?" Gulat na tanong ng daddy niya na nakakaintindi na sa tagalog words. Thanks to papa Jeric and his wife's nephews and nieces na naging tutor nito.

"Yes, dad. Keifer has ketong. You know ketong, right?" Tumango ang daddy niya. "He has it. So don't let him get near our Xandra."

Agad na hinila ng daddy niya si Xandra at itinago sa likod nito kaya natawa ang mga kaibigan nila.

Pinandilatan siya ni Keifer. "Hoy! FYI, ang healthy ng skin ko!" Bumaling ito sa daddy niya. "That's not true Dr. Kim. I have the healthiest skin." Bumaling ito sa mommy niya. "Tita, o! Si Xandro sumusobra na talaga." Pagsumbong nito sa mommy niya na natatawa lang.

"Shut up, Bernardo." Sansala niya rito. "Saan na ba ang mga golf cart mo dito?!"

Inirapan siya nito. "Maglakad ka patungo sa venue. I hate you." Pagsusuplado nito.

Branded Series Book 4: Jarine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon