A/N: Surprise update coz mahal ko kayo 😂 overwhelming talaga ang support niyo..thank you poooooo 🤗❤ anyways, baka magpahinga po muna ako, so baka wla munang update..masama pakiramdam ko lately..sana maintindihan niyo po 🤗😁
-nagmamahal kahit di minamahal,
Binibining Abbott
😂😂😂😂😂😂😂CHAPTER 25
✈️📚“I KNOW, hindi ako karapat-dapat patawarin, pero Jarine, I’m really sorry for everything.” Puno ng pagsisising paghingi ng tawad ni Maver kay Jarine.
Nagtungo sila ng asawa niya kung saan ito nakakulong. Magkaharap sila ni Maver na kasama ang mommy nitong bumisita din. Nakatayo sa bandang likuran niya ang asawa, kasama sina Jared, Reeno, Thunder, at Jiro na pare-parehong naka-krus ang mga braso sa dibdib.
“Sorry din sa mga nasabi kong hindi maganda sa’yo noon at nung nakaraan.” Anang mommy nito.
Tumabi sa kanya ang asawa. “You should be. Pa'no kung nakunan ang asawa ko dahil sinugod mo?” Sagot nito sa usapan.
Bahagya niya itong siniko sa tagiliran at inirapan lang siya.
“You can file a case against her if your wife got miscarried because of what she did.” Mabilis na sagot ni Thunder na nasa likod nila at tinapunan niya ito ng masamang tingin kaya napatuwid ito ng tayo.
“jarine's family could also file a case against you, Estafa. Malaki ang utang mo at hindi mo iyon binayaran. You can follow your son behind bars if you want.” Dagdag ni Thunder.
“Tama! Try niyo namang bayaran ‘yon.” Dugtong ni Jared.
Napabuntong-hininga na lang siya.
These weirdos.
Nanlaki ang mga mata ng mommy ni Maver at hinawakan nito ang kamay niya. “I’m really sorry, hija. Pangako, unti-unti kong babayaran ang utang ko sa mama mo. Huwag niyo lang akong kasuhan. Please?”
Napatitig lang siya sa mag-ina. Pareho ang mga itong hindi makatingin sa kanya.
“Sorry talaga Jarine. Patawarin mo kami. Lalo na ako. Sobrang laki ng pagkakamali ko. I deserve everything that has happened to me. You were a good girlfriend, and I was a jerk. Sinayang ko ang pagmamahal na ibinigay mo. Nobody has ever loved me like you did. Pero ginago lang kita.” Mangiyak-ngiyak na si Maver at napatitig sa asawa niya. “Your husband is so lucky to have you.” Ibinalik nito sa kanya ang tingin. “You’re one-of-a-kind, Jarine. No woman can surpass you. And I’m really sorry for everything. You don’t deserve what I did, and you don’t deserve me. Sorry.” Akmang hahawakan nito ang isa pa niyang kamay nang unahan ito ng asawa niya.
“Gusto mong masaksak pati kamay mo para terno sa hita mo?” Madilim ang mukhang anito.
Agad namang nagbaba ng tingin si Maver. “Sorry.”
Umayos siya ng upo at kinuha ang kamay niyang hawak ng mommy nito.
“I forgive you.”
Gusto na niyang matapos ang lahat ng ito. She wanted to start their family with positivity. No more hatred, no more negativity. Sobrang gaan ng pakiramdam niya. Finally, she got the sorry that she deserve.
![](https://img.wattpad.com/cover/181982817-288-k51724.jpg)
BINABASA MO ANG
Branded Series Book 4: Jarine (COMPLETED)
RomanceSabi nila you can't control who you fall for. Pero pano kung na -fall ka sa taong feeling mo ay hindi karapat-dapat para sa'yo? Kasi alam mong may mali sa'yo. Hanggang kailan mo kayang pigilan ang iyong sarili kung nilalandi ka niya ng bongga? Susug...