CHAPTER 9

12.7K 329 32
                                    


CHAPTER 9
✈️❤📚


NAGISING SI Xandro nang marinig ang boses ni Reese at naramdaman niyang hinahaplos nito ang pisngi niya at tumatawa. Nagmulat siya ng mata at nakitang nakaupo si Reese sa tabi niya.

"Hi, baby. Good morning!" Masiglang bati niya sa bata at niyakap ito saka hinalikan sa noo at pisngi.

Nagsasalita si Reese pero hindi niya maintindihan pero mukhang masaya ito.

Napabaling siya sa hinigaan ng dalaga. Wala na ito doon kaya bumangon siya at kinarga si Reese.

"Come on, baby. Let's go and find your Tita Pretty." Lumabas siya sa kwarto at bumaba.

Agad na nanuot sa ilong niya ang mabangong amoy galing sa kusina.

Karga- karga si Reese, nagtungo siya doon at naabutang nagbi- bake si Dimples.

"Nam-nam! Nam- nam!" Sigaw ni Reese kaya napalingon sa kanila ang dalaga.

"Good morning, Reesy!" Lumapit ito sa kanila at hinalikan si Reese.

"Good morning, Dimples." Bati niya sa dalaga.

"Good morning, Captain."

Akmang tatalikod na ito nang hawakan niya ang pulsuhan nito. "Where's my good morning kiss, Amore?"

"Amore na? Hindi na Dimples or baby?" Naiiling na lumapit ito sa kanya at hahalikan sana ang pisngi niya pero mabilis siyang humarap kaya ang mga labi niya ang nahalikan nito.

"Gotcha." Nakangising aniya.

Laking gulat niya nang hinawakan siya nito sa batok at hinalikan siya ulit. She kissed him passionately then pulled away.

"There. Gotcha." Pilya itong ngumiti at bumalik sa ginagawa.

"Take a cold shower. Your friend down there is angry at me." Anito nang hindi tumitingin sa kanya.

Mabilis na bumaba ang tingin niya doon.

"Fu- Fudge!" Hindi niya natuloy ang pagmumura dahil karga niya si Reese.

Nilingon siya ng dalaga at kinuha si Reese. "Go on. Calm him down." Natatawang anito at nagpaka- busy ulit habang karga si Reese.

Mabilis naman siyang umakyat sa kwarto niya.

"Damn it! Stop being naughty, will you?" Pagkausap niya rito.

Nang kumalma na siya, bumalik siya sa kusina. Naglalakad doon ng paikot- ikot sa island counter si Reese na nakangisi.

"Reese, stop it. Baka mabangga ka." Saway ng dalaga habang inilalapag ang pabilog na baking pan sa island counter at nakita siya. "Oh, hey, there, Captain. Okay ka na?"

Naglakad siya palapit at umupo sa stool ng island counter habang nakatingin kay Reese na paikot- ikot pa din.

"Hindi ako magiging okay hangga't nasa malapit ka." Pilyong sagot niya.

Inirapan lang siya ng dalaga. "Coffee?"

"Ako na." Nakangiting tumayo siya at nagtimpla ng kape niya.

Napansin naman niyang hindi pa nakapag- timpla ng kape ang dalaga kaya ipinagtimpla din niya ito. Alam na rin naman niya kung ano ang gusto nitong kape.

Inilapag niya iyon sa island counter at umupo ulit sa stool malapit sa kung saan ang dalaga. "Ano'ng binake mo?" Tanong niya.

"Carrot cake at brazos." Sagot agad nito habang isinasalin ang carrot cake sa pinggan at binalingan siya. "Gusto mo mag- rice for breakfast? Meron na rin diyan sa rice cooker. Ipagluluto na lang kita ng ulam."

Branded Series Book 4: Jarine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon