Ikalawang Kabanata
[Petsa: Ika-31 ng Disyembre, 2018, alas nwebe trenta y singko ng gabi]
IKATLONG PANAUHAN
Naglalakad si Lavender sa gitna ng daan na tila ba wala lang ang okasyon hanggang sa may narinig siyang mga tao na nangangamba ang boses.
"Hala, paano iyan? Paano ang mga paputok?"
"Sino ba kasing nakatakdang magbantay nito? Bakit hindi man lang nabantayan ng maayos."
"Anong ipapalit natin? Mga palamuti sa kalangitan ang labis na inaabangan ng lahat."
"Tama. Kung malaman ng hari ito ay malamang na madidismaya siya."
"Mayayari tayo sa mahal na prinsesa."
Hindi na siya nag-atubiling lumapit pa sa mga nag-uusap. Napansin naman ng mga ito ang kaniyang presensya at agad na nagbigay-galang.
"Anong nagyari, Ginang Margarita?"
Nagsalita ang babae na nasa edad tatlumpu.
"Hindi na po gagana ang mga paputok, Binibing Lavender. Ngayon lamang po namin napansin na nabasa ang mga ito."
Tumahimik sila nang biglang may muling nagsalita.
"Sino ba kasi ang may kasalanan? Napakairesponsable!"
"Hindi ba't si Margarita at Florencio ang dapat na nagbabantay dyan? Sila ang ating sisihin!"
"Ngunit sino ba ang nakabasa nito? Kami ba? Katangahan ang mabasa ang mga gamit na narito gayong wala naman dapa—"
"Ang pananalita mo, Ginoong Florencio," saway ni Lavender sa matanda. Nagulat ang lalaki at mabilis na humingi ng paumanhin. "Sa ngayon ay hindi na mainam na magsisihan. Kailangang masolusyonan ito."
"Paano ang iyong gagawin, Binibining Lavender?"
Nakaabang ang iba pa sa kaniyang isasagot. Tinitigan niya ang mga ito.
"Kung walang mahahanap na pamalit sa mga nabasang paputok ay kakausapin ko si Binibining Angelita ng kabilang syudad."
"Anong mapapala natin sa kaniya?" tanong ng isang matandang lalaki na kulot ang buhok at bulok ang ngipin sa harapan.
Hinarap ito ni Lavender.
"Ang kapangyarihan niya ay maaaring magamit," sagot nito. "Mamayang alas onse ay babalik ako upang ipaalam sa inyo ang mga dapat pang ayusin. Sa ngayon ay tapusin na ninyo ang mga gawain sapagkat nalalapit na ang pagsalubong sa Bagong Taon."
Ang siyudad ng Artesian ay kakaiba sa lahat ng mga siyudad sa Wienerzel. Isinarado na ito mula sa mga tao na manggagaling sa Beronia, Czanezar, at Demion dahil sa isang pangyayari kung saan dumaan sa trahedya ang lugar at magmula noon ay nabalot na ng hiwaga ang Artesian. Umusbong ang kapangyarihan. Nagkaroon ng mga kakaibang kakayahan ang mga taong doon ay naninirahan.
Si Binibining Angelita, isang babae na mula sa Artesian, ay may kakayahang lumikha ng apoy sa kaniyang kamay. Kaya niya ring bigyan ito ng kakaibang kulay o kaya naman ay hubugin base sa hugis na gusto niya.
BINABASA MO ANG
Virago: She Who Can See The Future
FantasyVirago, salitang nanganghulugan ng isang babaeng malakas, matapang, at maikukumpara sa isang mandirigma. Isang babae na nagpapakita ng kakaiba at kahanga-hanggang katauhan ng isang bayani. Wienerzel Fantasy Series #2 Book cover credits to: Pzalm Fra...