Ikawalong Kabanata
[Petsa: Ika-23 ng Marso, 2018, alas tres ng hapon]
W I N N E R I N
Nakatingin lang ako kila Ate Lavender na mukhang okay naman na dinala ko sila rito sa park. Buti na lang at malawak ang People's Park kaya nakakapag-play sila Lilac at Lakipa. At buti na lang talaga, may nahanap akong damit na kasya para sa kanilang tatlo.
Kay Ate Lavender ako medyo nahirapan 'cause her chest were always screaming na it's big daw and ang akin ay flat. Edi ako na flat chested, grr! Karamihan pa man din sa blouse ko eh fitted. Iilan lang ang medyo loose ko na pang-taas at puro t-shirt pa 'yon. Idagdag pa nahirapan din ako sa pantalon lalo pa at malaki ang balakang ni ate.
Jusko, ang hirap maging makurba ang katawan, ah?
Ang damit na suot naman ni Kuya Light ay hiniram ko muna sa kapatid ko while Lila and Lakipa's clothes were from mine.
Thank G talaga at may nahanap ako kung hindi nakasuot sila ngayon ng damit nila Juliet. Oh em, they are eye catcher 'pag nagkataon!
Nilingon ko si Ate Lavender na mahinang tumatawa habang nakatitig kila Lakipa at Lilac na tuwang-tuwa habang naglalaro sa swing. There are other children playing with them, too. Maybe she noticed na I was staring at her, nawala ang kakaibang kislap sa mga mata niya maging ang ngiti na kanina lang eh nakapaskil sa mukha niya. Her eyes turned cold. I can feel the coldness here.
Hoo, ang lamig!
What's keeping her from showing the happiness she feels? What's restraining her from expressing her love for them? Ba't kelangan niyang magpanggap na walang paki when I know deep inside na she loves them?
"Alam mo ba Winnerin..."
"Huh?"
Ngumiti siya sa akin-a kind of a smile na para bang ang daming dinadala sa buhay.
"Ang pag-ibig ay pagsasakripisyo kung saan ang isang tao ay handang masaktan makita lamang na masaya at ligtas ang kaniyang minamahal," wika ni Ate Lavender.
Tinitigan ko siyang mabuti and the sadness can be mirrored on her eyes.
"Ang pag-ibig ay hindi puro tungkol sa pagpapalaya ng minamahal kung ang dulot naman no'n sa iyo ay sakit. Bakit mo siya hahayaang mawala sa piling mo para lumigaya sa iba kung pwede naman siyang lumigaya at maging ligtas sa tabi mo?" sabi ko.
Napabuntong-hininga siya.
"Hindi ba't 'yon ang kadalasang mali ng mga magkasintahan na nagkakahiwalay? Lalo na sa panahon ngayon. They say na kelangan nilang maghiwalay para maging better. Bakit kelangan pang maghiwalay kung kaya n'yo namang magbago nang hindi naghihiwalay?" dagdag ko pa.
This time, siya naman ang nakatitig sa akin. Nanatili lang akong nakatingin sa pond na may mga naglalanguyang animal.
"Masyado ka pang bata para maintindihan ang bagay na iyon, Winnerin," sabi niya. "Hindi lahat ay kagaya ng pag-iisip na mayroon ka. Ang iba ay pipiliing palayain ang mahal nila dahil sa isipin na hindi na maganda ang naidudulot sa kasintahan nila samantalang ang isa naman ay ipagpipilitan ang sarili hanggang sa kaya pa. May mga tao rin talaga na mas pipiliing masaktan na lang ang sarili kaysa lumigaya kasama ang mga mahal nila. Parte ng pagmamahalan ang sakit. Parte nito ang pagkatuto para mas maging mabuti tayo."
"Pero-"
Masakit. Parte ng pagmamahalan ang pagkaramdam ng sakit. Love is where you can experience different emotions mixed at a time. And sometimes, love can mess us and give us a real hard time.
Love is where a person can be confused and asked him or herself if he or she made the right decision. Love is where you can have a problem and worry when it will be fixed. It is where you can have the thought na "oo, maaayos din 'tong problema ko. Pero kailan?" Lalo na at papasok sa isip mo na kapag naayos na ang problemang iyon, we are all aware that something may change and something cannot return to the way it was.
"Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Iyan ang sabi sa Juan Kabanata tatlo (3), talata labing-anim (16). Ipinakita Niya ang pagsasakripisyo kahit pa walang kasiguraduhan kung may silbi nga ba ang ginawa niya. Kasi ganiyan dapat - oras na pumasok sa relasyon at magmahal, hindi mo na maiisip ang maaaring mangyari."
Saglit siyang huminto at tumingin sa akin.
"Napakarami mong nalalaman para sa murang edad mo."
"I love reading that's why," I answered.
"Ah!"
Muli kong nilingon si ate nang may narinig akong daing. She was gripping her side na para bang may iniinda na naman.
"Ayos ka lang ba, ate?"
Hindi siya sumagot. Nakakunot ang noo niya habang nakamasid kila Lilac.
"Ah, aray!"
Nag-panic na ako nang umaray ulit siya. "Sandali lang, ate, tatawagin ko lang sila kuya."
Nandoon lang sila Kuya Light na naglalaro ng chess pero 'di ko magawang sumigaw. I am on public, how can I do that?
"Ah!"
She fell on her knees and I bent down to help her na tumayo. Sobrang putla na niya and I can't understand what could be the reason para dumaing siya ng ganito.
"Huwag... Huwag mong hayaan na makita ako nila Lakipa na g-ganito kahina..."
I glanced at the two girls. Mabuti na lang at may kalayuan sila sa amin. They can't see how Ate Lavender aches in pain.
Ate Lavender was breathing hard. Her face was very pale. She held tight to the side of her stomach with her knees on the ground. Nasaan ang mga tao na dapat ay tumutulong sa amin? Are they blind?
"Lavender!"
Saktong dumating si Kuya Warren nang bumagsak na si Ate Lavender sa akin at tuluyang nawalan ng malay.
"Kuya War..."
"What happened?"
Lumuhod na siya para buhatin si ate. Thank G at dumating siya. Thank G ulit at hindi lampa si Kuya War kaya kaya niyang buhatin si ate.
"What happened to her, Winnerin?"
I shook my head, my hands still cold. Wondering what suddenly happened when she was fine earlier.
"I-I don't know," sagot ko na medyo kinakabahan. "This is the second time na nangyari ang gan'to, and I don't have a single idea of what could be the possible reason."
_
____________________________
Pagtatapos ng kabanata. Ano ang inyong saloobin o komento?
BINABASA MO ANG
Virago: She Who Can See The Future
FantasyVirago, salitang nanganghulugan ng isang babaeng malakas, matapang, at maikukumpara sa isang mandirigma. Isang babae na nagpapakita ng kakaiba at kahanga-hanggang katauhan ng isang bayani. Wienerzel Fantasy Series #2 Book cover credits to: Pzalm Fra...