Ikaapat na Kabanata

366 18 11
                                    

Ikaapat na Kabanata

[Petsa: Ika-17 ng Marso, 2019, alas dos ng hapon]

IKATLONG PANAUHAN

Nagmamadali ang prinsesa ng Beronia sa kaniyang paglalakad dala-dala ang mabuting balita na mahigit isang buwan nilang hinintay. Sa wakas ay nadinig ng Diyos ang kanilang panalangin at Kaniya itong ipinagkaloob sa kanila.

Dumagundong ang malakas na pagbukas niya ng pinto upang iparinig sa iba ang kaniyang pagdating. Pagbukas ng pinto ay sumalubong sa kaniya ang apat na manlalakbay na nangailangan ng kaniyang tulong.

"Mukhang maganda ang iyong araw, Mahal na Prinsesa. May mabuti bang balita?"

Iyon agad ang bungad ni Light dahil kitang-kita ang kakaibang ngiti na nakapaskil sa mukha ng prinsesa. Mas lalo tuloy lumawak ang kurba ng labi nito.

"Ano ang magandang balita, Kamahalan?"

Si Lilac na ang nagsalita dahil nanatiling nakangiti ang kanilang prinsesa.

Tumikhim si Prinsesa Amber.

"Naging abala ang inyong Kamahalan sa mga pangyayari nang nakaraang buwan. Maraming problema ang bigla na lamang umusbong kung kaya't hindi niya agad napagbiyan ang ating nais," panimula niya. "Nagkaroon pa ng kakapusan at kakulangan sa mga pagkain at kagamitan na nagdulot ng higit na pagtagal nito. Sa wakas ay kumpleto na ang inyong kakailanganin sa paglalakbay at sa pagtira ng ilang araw o buwan sa Pilipinas."

"Kailan kami maaaring maglakbay?" singit ni Lakipa.

Tiningnan siya ng prinsesa pagkatapos ay si Lavender. "Nalulugod kong ibalita na maaari na mamayang gabi."

Sa kanilang pag-aantay na sumapit na ang gabi ay nalulungkot nilang pinagmasdan ang mga nangyayari sa labas ng kastilyo na kanilang pinaninirahan. Bawat mamamayan ay may ginagawa na makatutulong sa pag-unlad ng kanilang ekonomiya. Lahat sila ay may gampanin na dapat gampanan upang tumakbo nang maayos ang kanilang buhay. Isang maling galaw ay may epekto.

Ngayon, gagampanan ni Lavender kung ano ang sa kaniya. Isipin niya pa lamang na papalpak siya sa kaniyang misyon ay natatakot na siya. Kaakibat ng kaniyang kakayahan ang buhay ng mga mamamayan. Hindi siya maaaring pumalpak... o sumuko man lang sa oras na tingin niya ay hindi niya na kakayanin.

"Tara na."

Sumakay na sila sa droshky. Pandalawahang sasakyan na hinahatak ng kabayo. Ang ideya ng sasakyan ay mula pa sa Russia na ginagamit noon. Kung sa Pilipinas ay puwede ng tawaging kalesa.

Magkasama sila Lilac at Lakipa na nakasunod sa kalesa nila Light at Lavender.

"Lav," tawag nito sa kasama, "hindi ka ba natatakot? O kinakabahan? Tingin mo ba ay magagawa natin 'to?"

Blangko ang mukha nang tumango ang dalaga. "Ayon nga sa Mga Kawikaan kapitulo tatlo, bersikulo lima at anim, tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas."

"Wala akong dapat na ipangamba," dagdag pa niya.

'Lahat ay ipinagkakatiwala ko na sa Kaniya,' sabi niya pa sa sarili.

Virago: She Who Can See The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon