Ikadalawampu't dalawang Kabanata
[Petsa: Ika-4 ng Setyembre, 2038, alas tres ng hapon]
Upon reading the last entry, I flipped the page back to the third from the last which was written on the 11th of July. Muli kong binasa ang nakasulat habang naka-Indian seat sa sahig. Ang kaninang lamig ng tiles ay nakasanayan na ng katawan ko. Hindi ko alintana ang pamamanhid ng dalawang hita na kanina pa nadadaganan.
July 11, 2038, Sunday. Something inside me tells that the entry wasn't finish. Parang may mga salita o saloobin pa na dapat idagdag pero hindi na nagawa. Totoo naman dahil pagkatapos kong isulat ang pangalan ko no'n ay bigla akong nawalan ng malay. Nang ginising na lang ako ni Valerie ay hindi ko na maalala ang panaginip ko. Mabuti na lang at naisulat ko.
Is past life true?
Does reincarnation really happen?
Is immortality true?
Are Warren and Light immortals? Or, they just do not age?
Who was I in my past life? Who is Lavender? Was I Lavender?
What are those dreams? What are they supposed to mean? What are they supposed to contribute to my life?
Napakagat ako sa labi ko habang hinahaplos ang nakasulat sa papel.
Hello, Anjela.
Hello, Anjela.
Hello, Anjela.
Now I know why his voice seemed familiar. His warmth is also surprisingly familiar to me. Para bang hindi 'yon ang unang beses na makulong ako sa mga braso niya at maramdaman ang init ng katawan niya.
Sino ba talaga si Warren sa buhay ko?
I read the entry again until my head ache. I groaned as the pain becomes unbearable. I closed my eyes, massaged my forehead, and took a deep breath. Nanghihinang inilapag ko ang notebook na hawak at gumapang papunta sa higaan. I reached for Val's shirt and tugged it just before I lost consciousness.
"Tingin ko ay dapat ka munang magsaya, Binibining Lavender. Isama mo sila Light, Lakipa, at Lilac sa pagsasaya sa plaza."
"Mayroon akong mga batang kasama, nagtago kami sa isang tambakan ng mga materyales—"
"At nakita kitang pilit silang itinatago. Tinulungan kita at doon ko napagtanto na may mga manyakis na humahabol sa inyo."
"Sa ilog na ito mismo ay nakatayo ako—"
"Lumuluha habang tinitingnan ang tatlong bangkay na palutang-lutang."
"Tumatakbo ako na parang may tinatakasan. Sa hagdanan ng isang bilihan—"
"Nandoon ako at sinalo ka nang mahimatay ka."
"Nasa loob ako ng sasakyan. Hapon nang oras na iyon at may nakasilip na lalaki—"
"Habang may dalang bulaklak na pilit inaabot sa iyo pero ayaw mong tanggapin. Ramdam ko pa sa panaginip na iyon ang pagkadismaya dahil pakiramdam ko ay nililigawan kita pero ako'y tinanggihan mo na."
BINABASA MO ANG
Virago: She Who Can See The Future
FantasyVirago, salitang nanganghulugan ng isang babaeng malakas, matapang, at maikukumpara sa isang mandirigma. Isang babae na nagpapakita ng kakaiba at kahanga-hanggang katauhan ng isang bayani. Wienerzel Fantasy Series #2 Book cover credits to: Pzalm Fra...