Ikalimang Kabinata
[Petsa: Ika-18 ng Marso, 2019, alas dose y media]
IKATLONG PANAUHAN
Tahimik na nagmamasid ang apat na dayuhan sa malaking bahay na kanilang kinaroroonan. Sa pagiging malawak nito kung saan may mga mahahaling paso na nagsisilbing disenyo at mga pinta na nakasabit sa pader, nangangailangan ng mga katulong na magpapanatili ng kalinisan. Ang unang iisipin ng mga tao ay abandonado ang lugar dahil sa kakaibang katahimikan, ngunit dahil walang mga alikabok ay maghihinala ang isa na mayroon namang nakatira. Malaki ang bahay. Ang malaking gate ay pininturahan ng kulay itim, kaiba sa mga buhay na buhay na kulay ng halaman. Ang lugar kung saan sinasalubong ang mga bisita ay may mga pader na pinatungan ng mga kahoy at pininturahan din ng ayon sa kulay ng kahoy. Ang sala kung nasaan makikita ang mga malalambot na sofa, matibay na mesang gawa sa Narra, at TV ay may temang puti. Ang gilid, sa halip na pader, ay may pintuang gawa sa salamin na nauusog pagilid.
Napalingon lang sila Light, Lakipa, Lilac, at Lavender nang marinig ang mga yapak ng estrangherong nagpatuloy sa kanila sa bahay nito.
"Pasensya na kung tahimik ang bahay. Wala pa kasi si Winnerin."
Isa-isang iniabot ng katulong ang mga baso na naglalaman ng inumin. Nagtataka namang tiningnan ng tatlo ang baso dahil sa kulay ng likido nito. Ang mga katulong na tapos ng maglingkod ng kanilang kailangan ay bumalik sa kaniya-kaniyang gawain.
"Ano ito?" sabay-sabay nilang tanong.
"Lason ba ito?"
"May balak ka bang lasunin kami?"
"Papatayin mo ba kami?"
Sunod-sunod na tanong ng tatlong babae.
"Hey, hey!" Napaatras na lang ang binata at napataas ng dalawang kamay. "I don't have plans to kill any of you."
Mas lalong tumalim ang tingin sa kaniya ng tatlo.
"Tingnan mo, nagsasalita ka pa sa linggwaheng hindi namin maintindihan," buwelta ni Lakipa.
"Siguro ay sinusumpa mo na kami," dagdag pa ni Lilac na kahit ang bata-bata pa ay palaban na ang itsura.
Tumikhim naman si Lavender at nagsalita. "Hindi naman sa naghihinala ako ngunit tingin ko ay ganoon nga ang iyong binabalak."
Si Light na nasa gilid lang ay natawa sa mga pinagsasabi ng mga kasama kaya naman lumipat ang tingin sa kaniya ng tatlong babae.
"Bakit ka tumatawa?"
Kung may makakakita marahil ng itsura ni Lavender habang kausap si Light ay matatakot na ang mga ito dahil sa blankong mukha at emosyon nito sa pagsalita, subalit dahil si Light ang kausap ng dalaga ay hindi nagpatinag ang una at tila walang hiya pa ring tumawa.
Napahindik naman sa takot ang binatang estranghero na nagpatuloy sa kanila nang makita niya na humugot na ng espada si Lavender at itinapat ito sa leeg ni Light na agad tumigil sa pagtawa.
"Sagutin mo ako, Light. Ano ang nakatatawa sa sitwasyon?"
Napalunok ng laway si Light at tinangkang ilayo ang espada, ngunit sunod na humugot ng espada si Lakipa at tinutok ito sa kaniyang leeg.
BINABASA MO ANG
Virago: She Who Can See The Future
FantasyVirago, salitang nanganghulugan ng isang babaeng malakas, matapang, at maikukumpara sa isang mandirigma. Isang babae na nagpapakita ng kakaiba at kahanga-hanggang katauhan ng isang bayani. Wienerzel Fantasy Series #2 Book cover credits to: Pzalm Fra...