Ikalabing-isang Kabanata
[Petsa: Ika-18 ng Abril, 2018, alas dyis ng umaga]
W I N N E R I N
Nothing can be compared to the joyful feeling a person feels when it is vacation, especially students. Imagine na wala ng ibang iisipin ang tulad ko maliban sa mga lugar na maaari naming puntahan? No Maths, no Sciences, no any related subjects.
Oh boy, I love the subjects. Why would I even bother to go to school if I don't care to education?
But, I love vacation even more.
Pero mas love ko ang mga makakasama ko ngayon sa bakasyon.
Ehem, Light, ehem!
Napairap na lang ako sa naisip ko.
"O, bakit mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa?"
Napahawak ako sa puso ko dahil sa biglaang pagsulpot ni Light. Hindi ko man lang namalayan ang presensya niya.
Umayos ako ng pagkakasandal sa teresa ng bahay nila Kuya Walter. Unlike our house, its backyard directly leads to the forest. The design of the house is similar to Americans. Its oddness was the reason why they do not live here. Ginagamit lang ito kapag gustong magbakasyon, mag-celebrate ng party kasama ang mga kaklase, at sa iba pa.
"Kanina ka pa ba d'yan?"
"Hindi naman. Gusto mo?" Pinakita niya ang hawak.
It's baked cookies. Amoy pa lang alam kong si kuya na ang gumawa and who am I to decline the precious offering?
I inhaled the aroma of the food I have in my hand. Nakakaadik talaga.
"Kainin mo na."
Napamulat ako ng mata at tiningnan muli ang cookie. I took a bite and enjoyed its heaven-like taste.
"Anong tawag dito?"
"Cookie," sagot ko. Puno ng kuryosidad ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang pagkain. "Wala bang ganyan sa inyo?"
"Wala," pag-amin niya. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin. "Gulay ang pagkain namin. Mga maberdeng gulay. Kung makakakain man kami ng masarap, iyon ay nangyayari lamang tuwing may okasyon."
"Gaya ng?"
"Gaya ng pagsapit ng Bagong Taon," wika niya.
Habang nagsasalita siya, hindi ko maiwasang mapaisip kung bakit may mga ganito kagwapong tao? Nakakaiyak!
Biglang umihip ang malakas na hangin. Napayakap ako sa sarili ko. I wonder, bakit tila delubyo ang dala nito? It's summer. Dapat mainit ang hangin. Bakit ganito?
Hindi ko maiwasang magtaka. May bagyo ba?
Tiningnan ko si Light dahil baka may ideya siya, pero baka wala rin dahil mula kami sa magkaibang lugar. Marahil ay magkaiba ang takbo ng lugar na kinalakihan namin. Ano bang alam niya sa pwedeng mangyari dito sa amin?
BINABASA MO ANG
Virago: She Who Can See The Future
FantastikVirago, salitang nanganghulugan ng isang babaeng malakas, matapang, at maikukumpara sa isang mandirigma. Isang babae na nagpapakita ng kakaiba at kahanga-hanggang katauhan ng isang bayani. Wienerzel Fantasy Series #2 Book cover credits to: Pzalm Fra...