Ikaanim na Kabanata

225 19 2
                                    

Ikaanim na Kabanata

[Petsa: Ika-20 ng Marso, 2018, alas syete ng umaga]

IKATLONG PANAUHAN

Nakatunganga lamang si Winnerin habang nakatingin kay Lavender na siyang kasama niya sa kuwarto. Wala itong kaimik-imik habang nakaupo at nakatulala sa pader.

"Ganyan ka lang ba maghapon?"

Doon lang napukaw ni Winnerin ang atensyon ni Lavender. Umiling ito bilang sagot at bahagyang umangat ang sulok ng labi na hindi malaman kung ngiti nga ba ang pinapakita.

"May nais ka bang malaman, Winnerin?"

Tuwang-tuwa namang tumango ang batang babae at nag-umpisa ng mag-isip ng mga bagay na maaari nilang maging paksa.

"Aha!" masaya niyang wika habang nakataas pa ang hintuturo. "Pwede ko bang malaman kung saan kayo galing? I mean, ipaliwanag mo kung anong klaseng lugar ang pinagmulan ninyo!"

Tumalon siya sa kama at tumabi kay Lavender na nakapwesto sa bandang dulo. Yumakap siya sa braso ng huli na sanhi ng pagbakas ng pagtataka sa buong mukha niya.

"Ang iyong kamay, alisin mo," malamig niyang utos sa bata.

Nadala naman ng takot si Winnerin at agad ding inalis ang kamay pero bumalik ang sigla niya na makarinig ng kwento.

"'Di na kita kukulitin basta magkwento ka lang," pangungulit pa ng bata. Tiningnan lang siya ng kasama na napabuntong-hininga pa bago magsalita.

"Beronia, ang Beronia ay isang malaking syudad sa Wienerzel. Ang Wienerzel Land ay tago—"

"What do you mean by tago? Ba't nakatago?"

Lumipat ang tingin ni Lavender sa bintana kung saan makikita sa malayo ang ilog na nagngangalang Lesia.

"Tago kung saan isa lamang ang daan para makapunta roon."

"Saan naman 'yon Ate?"

"Hindi ko maaaring sabihin."

Napanguso si Winnerin na nagpangiti kay Lavender. "Ang Wienerzel gaya ng sabi ko ay isang tagong lugar, ngunit nalibot na nito halos lahat ng bahagi ng mundo. Kung paano ay hindi ko alam, at kung tatanungin mo kami kung bakit hindi kami nakaiintindi ng Ingles at bakit malalim kami magsalita ng Filipino, ito ay dahil sa lumilibot lamang kami sa mundo ngunit hindi nakikipag-usap sa mga normal na tao. Pili lamang ang nakikipag-usap sa mga tulad ninyo. Pili lamang ang pinilit na mag-aral ng wikang Ingles."

Sumabat na naman si Winnerin sa pagkwekwento ng dalaga. "Bakit normal na tao? Are you not normal?"

Nagtatanong naman ang itsura ni Lavender sapagkat hindi niya naintindihan ang tanong ng katabi.

Napatikhim si Winnerin at sinambit sa salitang maiintindihan ng dalaga ang tanong niya kanina.

"Normal na tao — iyon kayong mga nakatira sa iba't ibang bansa. Mga tao na hindi biniyayaan ng kakayahan—"

"Kakayahan? Why? May kapangyarihan ka ba? May kapangyarihan ba kayo?"

Nang mapagtanto ni Lavender ang sinabi ay tumayo na siya at pinagpag ang palda. "Pasensya na. Kalimutan mo na lamang ang aking sinabi."

Virago: She Who Can See The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon