Ikalabindalawang Kabanata

125 14 0
                                    

Ikalabindalawang Kabanata

[Petsa: Ika-28 ng Abril, 2018, alas otso kwarenta y singko ng gabi]

IKATLONG PANAUHAN

Nababagabag si Winnerin. Pakiramdam niya ay may bagyong tatama sa kanilang lugar. Tag-init na tag-init ngunit ang hangin sa labas ay parang kayang paliparin ang isang tao. Ang mahinang ulan ay halatang lalakas pa dulot ng maingay na kulog at matalim na kidlat na nagmumula sa kalangitan.

"Is there a storm coming?" asked Winnerin, confused.

Nagkibit balikat ang kaniyang kuya.

Umiihip ang malakas na hangin sa labas. Ang sanga ng puno ay tila ba may sariling buhay na umuuga at tumatama sa bintana ng kuwartong kinaroroonan ng apat na bisita ng magkapatid na Yu. Hindi nababahala ang tatlong babae. Hindi dahil sa may kasama silang lalaki kundi dahil sa alam nila ang rason ng nalilitong panahon.

Nakalatag sa kanilang higaan ang limang larawan na ipininta. Mataman nila itong pinagmamasdan at pinag-aaralan ang laman.

"Sigurado ka na bang siya iyon?"

Tumango si Lavender bilang sagot sa tanong ni Light. Mula sa pagkakayuko sa pagtingin sa mga iginuhit ay tumingala siya at pinagmasdan ang madilim na kalangitan na makikita sa bintana.

"Ano ang plano mo, Binibining Lavender?" kinakabahang tanong ng pinakabata na si Lilac.

"Ano na ang mangyayari, Binibini, ngayong alam mo na siya ang hinahanap mo?"

Pati si Light ay tahimik sapagkat wala siyang ideya sa susunod na hakbang na kanilang tatahakin. Si Lavender ang daan — ang kaniyang kakayahang makita ang hinaharap ang kanilang gabay.

Bumuntong-hininga si Lavender. Halatang problemado. Walang alam ang iba sa konklusyon na nabubuo sa utak niya. Posibleng tama ang kaniyang iniisip, posibleng mali.

Nakapag-isip-isip na siya. Pirmi siyang tumayo at pinagpag ang mahabang kasuotan. Kulay itim ito at tila ipinapahiwatig ang maaaring magiging kahihinatnan.

"Aalis muna ako."

Tinungo niya ang gilid ng kuwarto at binuksan ang bintana. Pumasok ang malamig na simoy ng hangin na may dalang ulan, nababasa ang kurtina na nakatabing.

"Tingin mo ay kaya mong mag-isa?" nag-aalalang tanong ng nag-iisang lalaki.

Ipinihit ng dalaga ang ulo para tingnan ang tatlo. Nginitian niya ang mga ito para mapanatag man lang ang loob.

"Kaya ko. Ako si Lavender at kaya kong makita ang hinaharap. Isa pa, kasama ko ang Panginoon. Ang winika, sapagkat ang lahat na nagsisitawag sa pangalan Niya ay mangaliligtas, anong dapat kong ikatakot?"

Nabawasan ang kaba sa kanilang mga dibdib, subalit si Lavender ay may dinadalang pasanin.

Kaya niyang makita ang hinaharap pero bakit madilim na ang kinabukasan na naghihintay sa kanila. Nararamdaman ng dalaga na malapit na ang kanilang katapusan.

Tumalon siya mula sa kanilang palapag palabas ng bahay. Ang bawat patak ng ulan ay may sariling pag-iisip na umiiwas sa nababalutang katawan ng babae na malakas ang loob na sinalubong ang galit na panahon. Ang hangin ay humahampas sa kaniyang balat.

Virago: She Who Can See The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon