Ikadalawampu't tatlong Kabanata

59 10 0
                                    

Ikadalawampu't tatlong Kabanata

[Petsa: Ika-5 ng Setyembre, 2038, alas dose ng tanghali]

Hello, Anjela.

Hello, Anjela.

Hello, Anjela.

Paulit-ulit ko pa ring naririnig ang mga huli niyang sinabi nang huli kaming magkita. May kung ano sa mga winika niya. The puzzle pieces are fitting with each other, I can form a clearer image. I am connecting the dots and understand what happened and what is happening.

Hello, Anjela.

Anjela.

I am Anjela.

I was... Lavender?

Napakapit ako sa bakal na sinasandalan ko. Nanlalabo ang mga mata ko nang sinubukan kong tumingin sa ibaba ng mall. Ang escalator na nasa malapit ay hindi magandang ideya para bumaba ang isang tulad ko na nanghihina.

"Bumati ka sa estranghero, ate."

"Pero hindi siya estranghero para sa akin."

"Yeah, she's not a stranger to me, so I won't say hello to the stranger."

"She is—"

"I'll call her Anjela 'cause she looks like an angel, j not g and single l. Not Angel nor Angella because it is too common. Got it?"

"Ate, Anjela raw itatawag niya sa 'yo."

"Hello, Anjela."

Sino ako? Ako si Lavender. Sino si Anjela?

Ang sakit ng ulo ko. I'm starting to feel dizzy. My ears seemed clogged, I can't hear properly. Iyon bang pakiramdam na may matagal na nagtakip sa tenga. I can't hear people's noise. Ang kaninang ingay ng mga taong masayang naglalaro sa Quantum ay hindi ko na marinig maging ang pag-uusap ng mga estudyanteng pagala-gala. Sinasabayan ng nanlalabo kong pandinig ang nanlalabo kong mga mata.

Sinubukan ko pang maglakad habang nakahawak sa bakal. I'm glad that no one notices my weak state. I know this will fade. Saglit lang 'to. I'm not this weak.

Bilang nanikip ang dibdib ko. Kinakapos ako sa hininga.

"Lavender!"

Pati itong pangyayaring ito. Parang deja vu. Parang nangyari na sa akin dati kahit pa imposible.

I don't know what happened next when I passed out.

When I slowly gained my strength, I can hear cries. Bakit sila umiiyak? May patay ba? O baka naman ako ang patay na iniiyakan nila?

Idinilat ko ang mga mata ko. Pumihit ako pakaliwa para tingnan ang pinagmumulan ng iyak. The faces of people who celebrated my birthday welcomed my sight. Basa ang magkabilang pisngi lalo na ng dalawang batang kaedaran ko.

"Binibining Lavender!" tawag ng isa.

"Ate Lavender!"

Virago: She Who Can See The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon