Ikasiyam na Kabanata

148 16 0
                                    

Ikasiyam na Kabanata

[Petsa: Ika-25 ng Marso, 2018, alas otso ng gabi]

W I N N E R I N

It's been three days since she lost conciousness, and up until now, hindi pa rin gumigising si Ate Lavender. Napatitig na lang ako sa naisulat kong tula na para sa English subject namin.

Aish! Ano bang idudugtong ko rito?

I let out a heavy breath. I know, hindi ko matatapos 'to hangga't nag-aalala ako sa kalagayan niya. Who wouldn't worry kung she's sleeping at her bed for three days straight na?

Argh, my head is aching na, ah!

"Kuya Light," mahina kong tawag nang dumaan siya sa harapan ko. I immediately folded the paper and inserted it in my pocket. "Baka naman may karamdaman si Ate Lavender kaya hindi pa rin siya nagigising?"

Dumating si Kuya Walter. "Kaya nga, bro. Hindi kaya may dengue siya?"

My head hurt even more when he said the word dengue. Acquiring dengue wasn't a joke. Needles and medicines will be your friend.

Come on, three days straight of fever is a sign of dengue and three days straight of sleeping is a sign of comatose.

Ayoko ng mga naiisip ko! Hindi na nakakatuwa.

For three days straight, kaming apat ang nagbabantay kay Ate Lavender—Kuya Warren, Kuya Walter, Light, and me. Naiwan si kuya sa bahay para siya muna ang magbantay kila Lakipa at Lilac. He made an excuse na may hahanapin lang kaming tatlo. At first, hindi sila pumayag. I know they wanted to protect ate, but they can't see her at her weak state.

Hindi pwede. Ayaw niya.

And for now, we are staying in the condominium of Kuya Warren. He needed to uwi here for a couple of months to settle some things na hindi ko naman alam. We, and even Kuya Warren, cannot stay sa house nila Kuya Walter dahil nando'n ang mga kamag-anak nila.

At sa three days na nag-pass, ate always had a nightmare. On the first day, she was screaming like, "Sino ka ba? Bakit ayaw mong magpakilala?"

Pagkatapos niya isigaw 'yon ay balik na siya sa pagtulog nang mahimbing.

On the second day, hindi siya sumisigaw pero walang tigil sa pag-agos ang luha mula sa mga mata niya. Biglang nagkaroon ng gripo sa mga mata niya noon. Hindi lang siya isang oras na umiiyak—buong gabi!

Sa pangatlong araw e naging mahimbing naman ang tulog ni ate. She is sleeping soundly until now, but I can't help but to worry kung ano nga bang nangyayari sa kanya.

"Imposible na may sakit siya..."

Iyon lamang ang sinabi ni Light. Still, it left a question in my mind. Paanong imposible?

'Yong statement na sinabi niya magulo, parang siya. Hindi ko alam kung cute ba siya or gwapo.

Brr!

Pero attractive siya, mga beh!

"Walter."

Lumapit siya sa amin kaya naglakad ako papunta sa kanila para makinig ng usapan. Bago pa ako makatabi kay Light ay pinahinto na ako ng daliri ni Kuya Walter na nakatutok sa noo ko.

Hinampas ko ang hand niya para alisin and I successfully did. Pumalit naman ang dalawa niyang kamay niya na humawak sa magkabila kong balikat at tinutulak ako palayo.

"Ano ba, Kuya Walt? What's your problem?"

Pinilit kong magpabigat, but unfortunately, I'm sexy.

"Argh!"

Pinihit ko ang ulo ko at kinagat ang kamay niya. Buti nga!

Hawak niya ang right hand niya at masama ang tingin sa akin. Tinaasan ko siya ng maganda kong kilay.

"What?"

"Hindi ka dapat makinig sa usapan ng matatanda, Winnerin."

"I'm old na kaya. I'm fourteen na, kuya."

I know what he is going to say. Tiningnan ko si Light at nag-puppy eyes. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Goodbye, Kuya Wallace, I'm getting married!

"Hayaan mo na muna siya, Walter."

Ayiee, ano ba? Butterflies in my stomach na hindi ko mahuli-huli.

Kuya Walter tsked samantalang si Kuya Warren naman ay seryoso lang ang mukha. I really like Kuya Warren than Kuya Walter kasi si Kuya War, tahimik pero may super sense ang sasabihin while Kuya Walter, kasing daldal ko. Same poles do not attract, right?

"By the way, I—"

"In Filipino, please?"

Both of my cousins glared. I remembered na Kuya War is not very fluent in Filipino.

"Aalis muna ako, may kailangan lang ako puntahan kaya kayo muna ang mag-alaga kay Lavender. If ever na you need something, Walter is here. Okay?"

Mukha namang naintindihan ni Light so the three of us nod.

Ilang oras ng wala si kuya at sa loob ng ilang oras na 'yon ay wala pa ring nangyayari kay Ate Lavender. Hanggang sa sumikat na naman ang araw na tulog pa rin siya. Nakatulog na lang ako sa pag-aantay, tulog pa rin siya.

Nararamdaman ko na ang sinag ng araw sa mukha ko. Still, I feel like sleeping but I hear murmurs.

"Siya, siya ang dahilan, hindi ba?"

"Hindi ako sigurado, subalit ikalawang beses na itong nangyari. Malakas din ang kutob ko na may kinalaman siya sa biglaan kong panghihina."

Nawala ang ingay nila.

"Oo nga pala, Lav..."

"Bakit?"

"Tingin mo ba ay siya na ang kailangan nating dalhin pabalik sa Beronia?"

"Kailangan ko munang masiguro na siya iyon. Ilang araw na lang bago sumapit ang buwan ng Mayo. Sa oras na makumpirma ko ang kaniyang katauhan ay kinakailangan kong ipabatid sa kaniya ang kaniyang pagkasangkot sa mangyayari sa darating na buwan. Isang masinsinang pag-uusap ang kakailanganin kasama si Martina at ang isa pang nawawalang pyesa."

Muli silang natigil sa pagsasalita. Bakit ba naririnig ko pa rin sila kahit gustong-gusto ko na matulog?

"Paano iyong lalaki na nasa panaginip mo?"

"Malapit ko na siyang makilala."

"Tingin mo ba ay may kaugnayan ang lalaki sa iyong panaginip at ang nawawalang taong hinahanap natin?"

"Mayroon, malaki. Malaki ang kanilang kaugnayan."

_____________________________
Pagtatapos ng kabanata. Ano ang inyong saloobin o komento?

Virago: She Who Can See The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon